MSO 2

1260 Words
Halos madilim na ang kapaligiran ng magising silang dalawa. Wala dumadaan dito kasi isa itong abandonadong lugar. Maraming puno at bakod ang nakapalibot dito. "Aray, ang sakit ng katawan ko," daing ng dalaga ng magising 'to. "I- Ikaw, bakit hindi mo lang ako ginising? Pinagsamantalahan mo ako no?" Tanong ng dalaga habang nakatutok ang baril sa binata. "Hey... Relax! Tingnan mo nga sa atin dalawa kung sino ang pinagsamantalahan. Ako nga walang damit tapos gutay-gutay pa ang pantalon ko." "I don't care. Akin na ang cellphone mo dahil tatawagan ko ang kaibigan ko para magpasundo dito." "I'm sorry, pero lowbat na ako. At isa pa walang signal dito." "How did you know?" " I try 10 times already." "So, ano na ang gagawin natin dito, magtitigan?" Ngumisi nang nakakaloko si Heath dahil mukhang nagustuhan nito ang sinabi ng dalaga. "Puwede. Okay lang ma-stock ako dito ng isang taon basta ikaw ang kasama ko." "In your dreams. Magtatago nalang ako sa banga at magbilang ng bolbol ko!" Nakangiwing saad nito sa binata. Nakuha niya ang linyahan na 'to sa pinsan niyang si Nene. "Ano ang ibig sabihin ng bolbol mo?" Kunot-noo tanong ng binata. "The meaning of bolbol? Ang pagkakaalam ko ang itlog mong hindi pantay?" "What?" namula ang pisngi ni Heath dahil sa inis. "I'm sorry, nahawakan ko kanina ang bolbol mo at mukhang hindi pantay!" Nakabungisngis na saad nito. Patuloy niyang inaasar ang binata dahil sobrang natutuwa siya sa reaksyon nito. "Really? " "Uto- uto. Halika kana nga. Maglakad-lakad tayo banda doon baka may makita tayong sasakyan." Umupo sila sa malaking puno na nasa gilid ng kalsada. Halos dalawang oras na silang naghihintay ngunit wala talaga sasakyan na dumaan. "B-bakit wala man lang sasakyan? Anong klaseng lugar ba 'yan dito?" "Private property ito ng mga Wei. Kaya wala kang makikitang sasakyan dito dahil nakasarado ang mga lagusan ng kalsada dito. Kaya nga ito ang kalimitan na pinagtataguan ng mga sindikato." Napalunok ng laway si Heath dahil siya ay mayroon din siyang illegal na negosyo. Isa rin siyang dealer ng mga baril. "Hoy, b-bakit ka natutula? Sh*b* dealer ka ba? I think isa kang dr*g L*rd." Diretsahang tanong nito. "H-hindi ah! Ano na gagawin natin dahil gabi na ngayon?" Pag-iiba ng binata sa usapan nila. " Maghanap muna tayo ng palipasan kahit isang gabi lang. Dilikado dito sa kalsada. Wala na akong bala at isa pa mukhang malala ang sugat ko." "Ang lakas ng loob mong tutukan ako wala ka naman palang bala. M-may tama ka?" "Obvious ba na paika-ika ako? Ang slow mo manong?" Nanlaki ang mata ni Heath ng tinawag siyang manong ni Shanine. Kinapa-kapa nito ang mukha dahil mukhang hindi niya matanggap ang sinabi ng dalaga. "Nakadalawa kana ah. Hindi naman magkalayo ang edad natin!" "Oh bakit ka nagagalit kung hindi kanaman pala manong," Nakangising saad nito habang nakataas ang panggitnang daliri nito. "A-anong klaseng babae ba 'to, parang amazona," saad nito habang kinikilatis ang dalaga. "Huwag mong titigan ang buong katawan ko lalo na ang gitna ko dahil pagod na 'yan. Sigurado ako nakangiwi na ang itsura yan. Kung sa isda bilasa na," ngiting asong saad nito. Halos gusto nalang ni Heath magpagulong-gulong sa daanan. "Are you sure babae ka ba talaga?" Biglang nagsalubong ang kilay ni Shanine. Walang pasabi na hinubad nito ang short at saka pantaas na damit niya. Tanging naiwan nalang ang panty niya na kulay blue. Lumuwa ang mata ni Heath nang makita ang itsura ni Doremon sa panty ng dalaga. Samantala sina Nobita at Soneo naman ang desinyo ng bra niya. "Hindi halatang fan ka ni Doremon. Ibang klase ka, bata isip." Tanging nasambit ni Heath ng makita ang panloob ng dalaga. "Ano sa tingin mo? Babae ba ako? May itlog ba ako?" Sunod-sunod na tanong niya sa binata Halos ayaw na gumalaw ni Heath sa kinaroroonan niya. Ngayon lang siya naka- encounter ng babaeng walang hiya yata. Paika-ika itong lumapit sa kanya. Hindi niya mapigilan hindi kumurap dahil para siyang nakakita ng diwata sa kagubatan. "Huwag mag-ambition. Tulungan mo akong punitin ang damit ko. Kinakailangan ko makuha ang bala sa pisngi ng puwet ko." Halos sampalin ni Heath ang sarili dahil iba ang iniisip niya. "Magpapatulong lang pala." bulong ng kanyang isipan. "Hoy, lalaki ano na? tutulungan mo ako o lalaslasin ko ang leeg mo!" "f**k ang tapang mo. Ano ang gagamitin ko? B-bakit kasi sa daming tatamaan sa puwet mo pa?" "Aba, ang gago mo talaga. Tanungin mo ang bumaril sa akin. What do you think, I like it. Ang sakit kaya." Nanggigil na si Heath kasi kanina pa siya nagpipigil sa dalaga. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakatikim ng mura mula sa babae. "Kunin mo ang kutsilyo sa boots ko. Iyan ang gamitin mo para tanggalin ang bala sa puwet ko." "A-ayaw ko. Never ko pa nagawa 'yan." "Alam mo naiinis na ako sa'yo!" Biglang sumeryoso ang mukha ng dalaga na ikinabahala naman ni Heath. "A-akin na." Padabog na saad nito. Sa tutuusin naman talaga puwede niya na iwanan ang dalaga pero hindi kaya ng konsensiya n'ya. Pumwesto na ang dalaga sa malaking bato. Kinagat niya ang kanyang natirang damit upang mapigilan ang pagsigaw niya. "Ahhhh... Fuck.. s**t! Pakibilisan naman dahil masakit." Nanginginig ang kamay ni Heath habang tinatanggal ang bala. Hindi mapigilan ng dalaga ang sumigaw ng malakas habang hinihiwa ni Heath ang balat niya. Hiniwaan niya kasi ng kunti ang sugat nito para hindi siya mahirapang kunin ang bala sa loob. Halos isang oras din bago nakatapos si Heath sa pagtanggal ng bala. Tagaktak naman ang pawis niya habang tinatalian ang sugat nito. "Maganda ba ang puwet ko? Maumbok no? Pagmakaupo ka parang upuan ah." Sarkatiskong saad ng dalaga. Agad naman tumayo si Heath dahil hindi niya rin namalayan na nakaupo na pala siya sa maumbok na pang-upo nito. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" "Magpalipas muna tayo ng gabi dito. Mamayang madaling araw tayo maglakad papunta sa labasan." "Okay kalang ba?" Bigla nakaramdam ng pag-aalala ang binata sa dalaga dahil naramdaman niya ang singaw ng katawan ng dalaga na sobrang init. "Can I ask favor?" "Yes, of course!" "Ikaw muna ang magbantay dahil matutulog lang ako saglit. M-medyo masama ang pakiramdam ko." Lumapit bigla ang binata sa dalaga at kinapa ang noo nito. "s**t! May lagnat ka. I think we need to go." "I'm fine. Dahil lang 'to sa sugat ko. At isa pa hindi ko na kayang maglakad pa. Pero kung gusto mo talaga umalis mauna kana!" "No.. Hindi kita puwede iwanan dito lalo na sa ganyan kalagayan." Hindi mapigilan ni Heath ang mataranta ng makapa 'to na sobrang taas ang lagnat nito. Nakahiga 'to sa malaking dahon ng Atipolo at kitang-kita ng binata na nilalamig dahil sa nakaarko ang katawan nito. Agad niya kinuha ang kanyang T-shirt at tinakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan ng dalaga. Napasabunot siya ng buhok dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin n'ya sa dalaga para matanggal ang lagnat nito. "Come on Heath. Ano ang gagawin ko. Mamaya kung yakapin ko iyan, b-baka gripohan niya ang tagiliran ko." Saad niya sa sarili. Naalala niya ang asawa ng kakambal niya naglagay 'to ng dahon sa noo ng kapatid niya ng nilagnat 'to. Luminga-linga siya sa paligid pero hindi niya maalala kung anong dahon 'yon. "Bahala na!" Lumapit ito sa puno ng kantutay at nanguha ng dahon. Pagkatapos itinapal sa noo ng dalaga at saka itinali. "s**t ang baho!" Pagkatapos humiga s'ya sa likuran ng dalaga at niyakap 'to ng mahigpit. Ikinulong niya 'to sa kanyang dalawang braso. Ramdam na ramdam ng binata ang nag-aapoy nitong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD