Pagsapit nang alas singko nang hapon ay nakapag desisyun si Andrea na maligo sa dagat. Sinama niya sila Mrs guada at manang ester para may makasama siya sa pag ligo. Hinding-hindi naman nag papahuli ang dalawang matanda at agad siyang sinamahan. Habang papalabas na sila Andrea sa hotel ay agad sumalubong sa kanila si justin na parang kanina pa ito nag hihintay sa kanya. "Andrea salamat, sa wakas lumabas karin" sabi nito na parang nabuhayan nang loob. Dahil wala siya sa mood ay tiningnan lang niya ito at pagkatapos ay nag patuloy siya sa kanyang paglalakad. Nilagpasan niya ito pero talagang makulit si Justin. Hinabol siya nito at patuloy parin sa pagsasalita. "alam mo bang kanina pa kita inaabangan dito" anito na naka sunod parin sa kanya. Hindi na makatiis si Andrea sa kakulitan nito a

