Nagising si Andrea na yakap-yakap parin siya ni dave. Hinaplos niya ang mukha nitong mahimbing ang pag katulog. Habang hinahaplos niya ang mukha nang lalaki ay panay rin ang agos nang kanyang mga luha. "dave hanggang ganito lang ba tayo?" usal ni Andrea sa loob looban niya. Pumikit muna si Andrea nang ilang sandali at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa may labi ang lalaki. Nag lapat ang kanilang mga labi nang ilang segundong tinagal. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ni dave na naka yakap parin sa kanya. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumangon at ingat na ingat ang kanyang pag galaw, para hindi niya ito magising. Hindi alam ni Andrea na gising na pala si dave bago pa siya nagising. Gustuhin man ni dave na manatili si andrea sa kanyang tabi, pero wala siyang magawa par

