Habang binabaybay ni Andrea ang daang patungong airport ay panay dasal ang kanyang ginawa na sana mag kikita pa sila ni Dave. Pero laking dismaya niya nang marating na niya ang airport dahil parang hindi sumang ayon sa kanya ang tadhana, dahil hindi na niya na abutan ang pamilyang imperial sa airport. Wala na ang mga imperial nang dumating siya roon. Iyak na iyak si Andrea dahil hindi niya alam kung bakit nangyayari sa kanya ang mga ganitong pangyayari. Bakit lagi nalang siyang gina ganito? ano ba ang kanyang malaking nagawang kasalanan sa mundo. Bakit lahat-lahat nalang ayaw sumang ayon sa kanya!. Bakit ayaw nang mga ito na makita lang man niya si Dave na kahit sa malayo. Na makita niya ang mukha nang pinaka mamahal niyang lalaki. Na laging andiyan para sa kanya at handang iligtas sa

