Chapter 16

1383 Words
Sinalubong naman ni Antonio ang mga titig na iyon ng byenan. Ipinaramdam niya ditong hindi siya basta-basta magpapasindak sa kung anumang sasabihin nito. “Ipinagkatiwala ko sa ‘yo si Letizia dahil alam kong mabuti kang tao, Antonio. Pero mukhang nagkamali yata ako…” anito sa malamig na tinig. Nagsalubong ang mga kilay ni Antonio. “Anong ibig ninyong sabihin?” seryosong tanong niya dito. “Sa amin na muling titira ang anak ko pagkalabas niya dito sa ospital. Hindi ko na hahayaang masaktan siyang muli because of your irresponsibility!” Nagngangalit ang mga bagang na saad nito. “At papaano naman kayo nakasisigurong papayag ako sa gusto ninyo?” naniningkit ang mga matang tanong niya dito habang nakakuyom ang mga kamao. “Because she’s my daughter and I know how to take care of her! Unlike you! You didn’t even know that she’s pregnant!” mataas na ang tinig na wikang iyon ni Augusto. Kaagad itong nilapitan ni Hanz. “Dad… calm down.” Awat nito sa ama at nagpapaumanhing tumingin sa kanya. Pero hindi siya magpapatalo sa byenan. “No. She will not come with you.” Mariing tanggi niya. “Matagal niyo ng inalis ang karapatang iyan mula ng ipakasal ninyo si Letizia sa akin. Remember that,” dagdag pa niya. Hindi mababawi sa kanya ng kahit na sino si Letizia. Never! He will do everything on his will manatili lang si Letizia sa kanyang tabi. Sabihin na ng mga ito ang lahat ng gustong sabihin sa kanya, pero never niyang isusuko ang asawa. Akmang susugurin siya ng byenan ngunit mabilis itong hinarang ni Hanz. Galit na galit na dinuro siya nito. “Ako na mismo ang mag-aalis ng karapatang iyan sa ‘yo! I will get your marriage annulled!” nag-aapoy sa galit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Sige! Subukan ninyo!” hamon niya. “I am not afraid of you. Dahil sinisiguro ko sa inyong iyon na rin ang magiging katapusan ng lahat sa pagitan ng mga pamilya natin.” May halong pagbabantang wika niya. Bahagya namang natigilan ang matandang Alvarez, pero saglit lang iyon. Bumalik din agad ang mabalasik nitong anyo. “Hinahamon mo ba ako Monte Bello?” tumatahip ang dibdib na tanong nito. “Pwede ba tumigil na kayo!” ani Letizia sa mataas na tinig habang nakatingin sa kanila. Nakaupo na ito sa ibabaw ng kama. Mabilis namang nagbago ang anyo ni Antonio ng marinig ang asawa, maging si Augusto ay ganoon din. Kaagad nitong nilapitan ang anak. “Hija… sasama ka na sa amin,” anito. Pero blangko lang ang mga matang tinitigan ni Letizia ang ama. “No, Dad…” aniya sabay iling. “Tama si Antonio. Asawa na niya ako at wala na kayong karapatang mag-desisyon para sa akin.” “Pero pwede ko namang ipawalang-bisa ang kasal ninyo. Madali lang gawin iyon,” anito sa nakikiusap na tinig. She smirked. “Why Dad? Kaya ba ganoon mo lang din ako kadaling ipakasal kung kani-kanino, because it’s easy for you to do that?” pagbibigay emphasis niya sa sinabi nito. “Hindi ‘yon ganoon kadali Dad.”mariing sabi niya. “Marami ng nagbago… Naririto na ako… nasaktan… at hindi mo na iyon maibabalik pa kahit na kailan,” gumagaralgal ang tinig na wika niya. “Letizia, hija, please… I did what I know was best for you.” Pagak siyang tumawa. “Oh yeah? You did what you think what’s best for me, because I was part of the bargain.” Mariing wika niya. Natigilan si Augusto habang si Antonio naman ay parang ipinako sa kanyang kinatatayuan. Samantalang, ang kapatid niyang si Hanz ay kunot-noong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo. Hindi nito nasusundan ang pinag-uusapan nila. “You two think I wouldn’t know?” aniya na tinitigan ang ama at asawa. Disgust were shown on her eyes bago muling nagpatuloy. “Both of you were wrong. Matagal ko ng alam ang tungkol sa kasunduan ninyo ni Ninong Federico, Dad. I read the agreement at hindi ko lubos maisip na pumayag ka doon,” mapait na wika niya sabay baling sa ama. “All my life you decide what you think was best for me. Na pati pagpapakasal ko ay plinano mo na pala ng napakatagal na panahon. But, have you ever think if it was really for my sake and not for your own good?” she asked sarcastically then shakes her head. “You always wanted to build an empire and the Monte Bello’s have the power to do that. With Ninong Federico’s help… both our families will benefit from it. So, you see? This is all about business, Dad. My marriage is all about business! I am just a mere collateral. Hindi naman talaga kapakanan ko ang iniisip mo! It’s you and your goddamned business!” galit na wika niya. Sa ama niya ibinuhos ang lahat ng galit na nasa dibdib niya. “Letizia! Know your place! Si Daddy ang kaharap mo.” Saway ni Hanz sa kanya. Hinarap niya ito. “Bakit Kuya? Hindi ba totoo naman ang sinasabi ko?” naghahamon ang tinig na turan niya. “Kaya nga hindi ako makuhang pagtrabahuhin ni Daddy sa kompanya natin because I can give him what he wants in just a snapped of his finger. Hindi ko na kailangang magpakahirap at magpakapagod para makipagsabayan sa inyo nina Kuya Timothy at Kuya Brando, dahil malaki ang kaya kong ibigay. At alam niyang isang sabi niya lang ay susunod ako because I am a good daughter, remember? Hindi ko siya kailanman sinuway.” Hindi nakasagot ang kanyang kapatid. Alam nitong totoo lahat ng sinabi niya. Binalingan ni Letizia ang ama na parang mas lalo pang tumanda ng mga sandaling iyon. “I’m sorry for saying all of this Dad,” aniya sabay hawak sa kamay nito. “I know how much you love me… I know you did what you think was right just to make me happy… But, there were times na napapaisip din ako kung bakit lagi na lang ikaw ang nagdedesisyon para sa sarili ko. I never had a chance to do that on my own. I even never questioned you when you said that I was going to marry Antonio, because at the back of my mind you were right. Dahil ganoon naman palagi di ba?” mangiyak-ngiyak na sabi niya. “So now… I don’t know… Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa ‘yo,” saad niya habang pinupunusan ang mga luha. “Alam mo kung bakit? Dahil ang sakit-sakit… ang sakit-sakit dito…” aniya at itinuro ang tapat ng kanyang puso sabay talikod sa mga ito. Laglag ang mga balikat ni Augusto habang tinititigan ang anak mula sa likuran. Listening to Letizia’s sentiments brought him in pain. Ngayon lang nito napagtanto kung ano ang naging epekto ng mga desisyon nito kay Letizia. Augusto sighed deeply pagkatapos ay mabuway itong tumayo. Kaagad naman itong inalalayan ni Hanz. Yuko ang ulong lumabas ito ng silid at hindi na muli pang nilingon ang anak. Walang imik na sinundan lang ni Antonio ng tingin ang mga ito hanggang sa sumara ang pintuan. Alam niya kung gaano labis na nasaktan ang byenan mula sa mga sinabi ni Letizia dito. But hearing his wife, hindi niya ito masisisi. Mas tama pa nga ang ginawa nito. She let out all the baggages she was carrying in her heart for a very long time. Tama lang na sabihin nito ang tunay na nararamdaman sa ama. Not because she wanted his father to understand her, but to make her father realized what he had done to her. Kung gaano kalaki ang epekto noon sa pagkatao ng asawa niya. Wala din palang ipinagkaiba ang matandang Alvarez sa kanyang Papa. They both shared the same character. Maybe that’s why they became friends. Tahimik na pinagmasdan ni Antonio ang asawa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na hindi ito pumayag na sumama sa ama. Because he was already expecting that she will gladly accept her father’s offer. But, she didn’t. At labis niya iyong ipinagtataka. Oo, may hinanakit si Letizia sa ama, pero mas malaki naman ang kasalanan niya dito. Because of him, nawala ang anak nila at habang-buhay niyang pagsisisihan ang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD