Chapter 18

1434 Words
The old-spanish styled house was very different inside. Kung namintina ang buong kabahayan sa lumang istraktura nito, ang loob naman ay taliwas doon. Naaadornohan iyon ng pinaghalong luma at makabagong panahon na mga kagamitan na kung iisa-isahin mo ay para ka na ring nag-time travel. Classic but very modern. Added to that was the cozy and classic rustic interior design of the whole house. It really feels so comfy and homey. She looked upstairs. Sanay siya sa mga ganitong klaseng bahay dahil ang Villa Alvarez na ancestral home nila sa San Marcelino ay malaki ring kagaya nito, but it was a modern style house. At kung bilang ng silid ang pag-uusapan, hindi hamak na mas marami ang sa Casa Monte Bello. “Hi Lola! Hi Mommy Candice!” ang matinis na wika ng isang batang babae na nagpalingon sa kanya. Tumatakbo ito papalapit sa kanila kasunod ang isang magandang babae. Sa hinuha niya ay nasa anim na taong gulang na ang bata. “Hello, apo.” Masuyong saad ni Donya Consuelo sa batang babae na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi habang nakatingin dito. “Hello, Darling.” Ang narinig naman niyang wika ni Candice. Sinalubong nito ang bata at binuhat. Ginawaran ito ni Candice ng mabilis na halik sa leeg na nagpahagikhik dito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Maya-maya’y nilingon siya ng bata. At bahagya pa siyang natigilan ng mapagmasdan ito. She looks like a royal princess. Napakaganda nito. Pero hindi talaga iyon ang nakatawag ng pansin sa kanya kundi ang mga mata nito. Kagaya iyon ng kay Antonio… brown. Kaya hindi maikakailang pareho ang dugong nananalaytay sa mga ugat ng mga ito. “Who is she?” inosenteng tanong nito sa mga kasama habang titig na titig sa kanya. Nakangiting humakbang siya palapit dito at siya na mismo ang nagpakilala sa sarili. “Hi! My name is Letizia.” Masiglang bati niya dito. Mula ng dumating siya sa Puerto del Cielo, hindi na nawawala ang mga ngiti sa mga labi niya at naninibago siya doon. Saglit niya ring nakalimutan lahat ng iniisip ng mga sandaling iyon. Namilog ang mga mata ng bata habang nakatitig sa kanya. “So you’re Aunt Letty, my Uncle Handsome’s wife!” palatak nito at itinakip pa ang mga kamay sa bibig na parang gulat na gulat. “Uncle Handsome?” kunot-noong tanong niya sa bata. “Yeah… That’s what I call to my Uncle Antonio. And by the way you are very beautiful, just like what he said.” Pagbibigay papuri nito sa kanya. “Really?” aniya na tila hindi makapaniwala sa narinig. Did Antonio really said that? Tanong niya sa sarili na mabilis din namang iwinaksi sa isipan. “Uh-huh…” sagot ng tumatango-tangong bata. “By the way I’m Ysabella, but they call me here Bella. And the gorgeous lady behind me is my mother. She’s Andrea.” Pakilala nito sa sarili at sa ina na ikinatawa nilang lahat. “Totoo ba ang narinig kong gorgeous si Mama?” nagbibirong tanong ng tinawag na Andrea ng bata at lumapit ito kina Candice at kinuha si Bella. “Of course! Your my mother, so you’re gorgeous just like me.” Ang matabil na sagot ni Bella sa ina. Doon na sila natawa ng todo. Napuno ng mataginting na halakhakan ang buong casa. “Sorry… Pasensya ka na sa anak ko. Ganyan talaga siya mula ‘nung masanay siyang magsalita,” ani Andrea sa kanya na nakangiti pa rin. “No… it’s alright. Nakakaaliw nga siya eh.” Aniya at hinarap si Bella. “Can you give Aunt Letty a welcome kiss?” tanong niya dito. “Of course.” Mabilis nitong sagot. Pero sa halip na halik lang ang ibigay nito sa kanya ay mahigpit din itong yumakap sa may leeg niya sabay bulong, “You know what? Uncle said you’re not just beautiful, but gorgeous too. Just like me and Mama. Pero huwag kang maingay ha… Baka magtampo si Mommy Candice, Aunt Aurora at pati na si Lola. This is just between us,” anito. Sunod-sunod na tango ang ginawa niya kasabay ng isang malapad na ngiti. Naiiling namang nakatingin lang sa kanila ang tatlong babae. Aliw na aliw ang mga ito habang pinagmamasdan sila. Ngayon pa lang ay nasisiguro na niyang tama ang naging desisyon niyang sumama kina Candice at Donya Consuelo. ** “This is Antonio’s room, I hope you don’t mind.” Wika ni Candice ng maihatid siya nito sa isang silid sa itaas. Tumango siya dito. “It’s alright. Hindi naman talaga tama na sa ibang silid ako manatili, dahil may sariling kwarto dito ang asawa ko.” Ngumiti si Candice sa kanya at mataman siya nitong tinitigan na bahagya niyang ikinailang. “Why are you starring at me like that?” kunot-noong tanong niya rito. “You love him.” Hindi iyon tanong kundi isang kumpirmasyon ng tunay niyang nararamdaman para kay Antonio. She sighed at lumakad papunta sa kama. Naupo siya roon kasunod si Candice. “Ganoon na ba talaga ako ka-transparent sa nararamdaman ko?” malungkot na tanong niya dito. Si Candice naman ang bumuntong-hininga at hinawakan siya sa kamay. Masuyo nito iyong pinisil. “You cannot deny it. Hindi ka magkakaganyan kung hindi mo mahal ang asawa mo. Ganyan din ako kay Sebastian,” anito. “But…” hindi niya makuhang ituloy ang sasabihin dahil alam niyang ikasisira iyon ni Antonio. “But, what?” gagad na tanong nito. Umiling siya at tumingin sa labas ng balcony. Wala siyang ibang nakikita doon kundi kalangitan. “Why don’t you try telling me. Makakatulong iyan para mabawasan ang dinadala mo sa dibdib,” narinig niyang turan ni Candice. Muli niya itong sinulyapan. Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata habang nakatitig dito. “I-I… I really love him. Pero nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko ang kataksilang ginawa niya…” gumagaralgal ang tinig na amin niya dito. Mabait si Candice at madaling makapalagayan ng loob. She looks like a big sister to her na kailanman ay hindi siya nagkaroon. Salubong ang mga kilay na pinagmasdan siya nito sa mga mata. “What do you mean? Anong kataksilang sinasabi mo?” sunod-sunod na tanong nito. Suminghot muna siya bago nagsalita. “I saw him with another girl in a hot kissing scene.” Narinig niyang napasinghap si Candice sa sinabi niyang iyon. “Iso-sorpresa ko dapat siya sa opisina niya ng malaman kong buntis ako, pero nagkamali ako. Ako pala ang maso-sorpresa. That same day, nabangga ako at nalaglag ang anak namin.” Aniya kasunod ng pagpatak ng mga luha. Hindi pa rin pala iyon nauubos. “Tsk… tsk… tsk…” anito sabay iling. “Magkapareho pala sila ng kapatid niya.” Napatitig siya dito habang nakakunot ang noo. “What do you mean?” she asked curiously. Nagloko din ba ang asawa nito? Tanong ng kabilang bahagi ng isip niya. Nakita niya ngumiti si Candice. “Yes at no ang sagot ko sa tanong mo sa isip.” Anito nang mabasa ang nilalaman ng isipan niya. “I-I don’t understand… Sorry…” “Yes, because nahuli ko siyang may kahalikan ding ibang babae… and no, dahil hindi pa kami noon kasal. Sebastian has every rights to do that lalo pa at wala pa namang linaw noon ang relasyon namin,” sagot ni Candice. “Pero alam mo ba ang pagkakamaling ginawa ko?” hindi siya sumagot. Nananatili lang siyang nakikinig dito. Candice took out a long deep breathe bago ito nagpatuloy. “I judged what I saw very easily. Hindi ko siya kinausap o tinanong man, dahil kinain ako ng matinding selos. So, sa halip na komprontahin ko siya, I runaway… Hindi ko kasi nakayanan ang sakit na aking nararamdaman… But that’s the biggest mistake I’ve ever done in my whole life. Dahil pagkatapos noon para na rin akong namatay. Nawalan ako ng buhay. Iyak ako ng iyak. Until I realized na hindi ko pala talaga kayang mawala siya sa piling ko.” Mahabang kwento nito. Kumibot-kibot ang mga labi niya bago nagsalita, “Pero hindi ba dapat na hinabol ka niya o sinundan man lang? Bakit hindi niya ginawa iyon kung talagang mahal ka niya?” sunod-sunod na tanong niya dito. “He did after a week. He was compromised to stay here in the casa dahil maraming nangyari noon at hindi niya pwedeng iwanan si Mama. Hindi pa noon masyadong magaling si Mama at hindi niya ito pwedeng basta-basta na lang iwanan. But, noong sundan niya ako sa amin, nalaman niyang I was being taken ng isa nilang tauhan dito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD