Hindi alam ni Letizia kung anong oras umakyat si Antonio kagabi, pero nagising siya ng sumunod na araw na wala na ito. Nagtatakang sinulyapan niya ang orasan, alas-otso pa lamang ng umaga.
Tutulog na sana siyang muli ng may mapansin sa bedside table. Inabot niya iyon. It’s a note from Antonio. Kasama noon ang isang debit at credit card at ang calling card nito.
Napangiti siya. Nawala bigla ang antok niya kaya tumayo na siya at dumeretso sa banyo upang maglinis ng katawan. Pagkalabas doon ay agad niyang inayos ang pinaghigaan.
Magaan ang pakiramdam na bumaba siya sa sala. Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape.
Napangiti na naman siya ng makitang malinis na malinis ang kusina. Parang walang gumamit doon kagabi. Hindi niya alam na may pagka-oozy pala ang asawa niya sa kalinisan.
Nagpunta siya sa garden para doon ipagpatuloy ang pagkakape. Hindi pa masakit ang araw sa balat at malamig pa din ang simoy ng hangin doon. Tamang-tama lang para sa kalusugan.
She was enjoying her coffee ng may nag-doorbell. Kaagad siyang tumayo at tinungo ang pang-isahang taong gate. Binuksan niya iyon at sinilip kung sino ang nasa labas.
“Who is it?” tanong niya sa matangkad na lalaking nakatayo doon.
Ngumiti ito sa kanya. “I’m Sebastian, Antonio’s brother.” Pakilala ito. “And you must be Letizia, his wife,” dagdag pa nito.
Nagtatakang tumango naman siya. Nabaling ang tingin niya ng bumukas ang bintana ng sasakyan nito at sumilip doon ang isang may-edad na babae. Agad niya itong nakilala.
“Ninang!” tuwang-tuwang sabi niya sabay lapit sa sasakyan at nagmano sa babae. “Kumusta na po kayo?” tanong niya dito.
“Very much fine, hija. Ikaw?” anito at nagpapaunawang tinitigan siya nito. “I just heard yesterday kung ano ang nangyari, at pasensya ka na kung hindi kami nakapunta.” Ang tinutukoy nito ay ang naging kasal nila ni Antonio.
Umiling siya at matamis itong nginitian. “It’s alright, Ninang. Hindi ko rin naman po akalain na ikakasal din ako kahapon.” Aniya na hindi pa rin makapaniwala ng mga sandaling iyon.
May lungkot namang dumaan sa mga mata ng matandang babae ng marinig ang sinabi niya.
“Don’t worry, Ninang. I’m really fine.” Aniya at marahang pinisil ang palad nito. “Why don’t we go inside? Come…” anyaya niya sa mga ito.
Napansin niyang bukod kay Donya Consuelo, kasama din ni Sebastian ang asawa nito na ngayon pa lang niya nakita. Matamis itong nakangiti sa kanya at ginantihan naman niya iyon.
“No, hija.” Tanggi ng matandang babae. “We just dropped by to pick you up.”
Kunot-noong tinitigan niya ito. “Why? Is there something wrong?” tanong niya na biglang kinabahan.
May nangyari ba sa asawa niya kaya naririto ang mga ito?
Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Sebastian. “Everything’s great, Letizia. May board meeting ngayon sa kompanya, kaya naisipan naming sumaglit dito dahil alam naming naririto ka. And we wanted you to join us for lunch.” Nakangiting wika nito.
“Ganoon ba?” aniya kasabay ng pagtango. “But… it may take some time bago pa ako makabihis. I haven’t took a shower yet at baka mahuli kayo sa board meeting. I will just follow you in the company.”
Nagkatinginan naman ang tatlo at nakita niyang saglit na sumulyap si Sebastian sa relo nito.
“Sige na… mauna na po kayo. Susunod na lang ako sa office. Maaga pa naman for lunch,” nakangiting saad niya sa mga ito.
Tumango naman si Sebastian bago sumakay sa driver’s seat.
“Sige, hija. We’ll wait for you in the company. I’m sure your father will also be there. It would be great kung sama-sama tayong manananghalian, para na rin sa cebration ng kasal ninyo ni Antonio. Alam kong rush ang lahat kahapon kaya kahit kaunting selebrasyon ay hindi ninyo nagawang mag-asawa,” marahang saad ni Donya Consuelo.
“Alright. See you at the company then,” aniya at hinalikan muna sa pisngi ang matandang babae bago umalis ang mga ito.
Nagmamadali siyang umakyat sa itaas pagkaalis ng mga ito at kaagad na naligo.
She didn’t know what exactly she will wear, kaya tinawagan niya ang kaibigang si Victoria na noon niya lang naalala. Marami itong missed calls at texts sa kanya at alam niyang alalang-alala na ito.
“My God, Letty! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Alam mo bang I’m dying here sa pag-aalala sa ‘yo?” palatak ng kanyang kaibigan sa kabilang linya pagkasagot nito. “Where are you? I called at your house yesterday, sabi nila wala ka daw doon. Ano bang nangyari?” sunod-sunod pang tanong nito.
“I’m sorry… marami kasing nangyari and I’m still cannot cope up with it right now,” hinging-paumanhin niya dito.
Victoria took a long deep breathe bago ito nagsalita. “What really happened? Pagbalik ko sa counter nung isang gabi wala ka na doon. Saan ka ba nagpunta?”
Siya naman ang bumuntong-hininga. “Long story, Vicky... I’ll tell you everything kapag nagkita tayo. But for now… I want to ask your opinion.”
“Opinion about what?” tanong nito.
Alam niyang kahit hindi niya ito nakikita ay nakakunot-noo ito.
“I don’t know what to wear,” nag-aalalang sabi niya dito habang pinagmamasdan ang mga damit na kanyang pagpipilian sa ibabaw ng kama.
“Huh? Kailan ka pa nag-alala sa isusuot mo?”
She rolled her eyes. Tama ang kaibigan niya, she wore any kind of dress she likes but… that was before. Iba na ngayon lalo na at may asawa na siya. She needs to look more decent as much as possible.
Ipinilig niya ang ulo. “Basta… I need your opinion.”
“What’s the occasion ba?” tanong naman nito.
“Ahmm.. We will going to have lunch.”
“With whom?”
“Dad and…” nag-isip pa siya kung ano ang isasagot sa kaibigan. Alam niyang magpe-freak out ito kapag nalamang kasal na siya. “I think his friends from Quezon.” Iyon ang unang lumabas sa isip niya.
“Sus! Lunch lang pala eh. Just wear a decent dress. Wala namang damit na hindi bagay sa’yo,” anito.
Napangiti naman siya sa sinabi nitong iyon. At least napalagay ang loob niya dahil doon.
“Thanks, Vicky... I’ll promised to call you again and tell everything what happened. Sa ngayon, I have to go muna. Baka ma-late ako sa lunch namin. Bye!” masayang sabi niya at ini-off na ang telepono pagkatapos nitong magpaalam.
Pinasadahan niyang muli ang mga damit pagkatapos ay pinili ang isang kulay purple na dress na may raffles sa leeg at manggas. Hanggang tuhod iyon kaya nagsuot siya ng hindi kataasang heels and then she choose a set of ruby earrings and necklace na bigay sa kanya ng daddy niya.
She put just a little bit of make-up and let her hair untied. Masaya siyang umikot sa harap ng salamin bago muling sumulyap sa relo at nagmamadaling hinagip ang kanyang bag pagkatapos ay mabilis ang mga hakbang na pumanaog.
She was very excited to meet her in-laws. But of course, she was more excited to see her husband.
**
Hindi pa tapos ang board meeting ng dumating siya sa kompanya ng mga Monte Bello. Hindi siya kilala ng mga empleyado doon at wala naman siyang balak ipakilala ang sarili lalo na at walang permiso ni Antonio. Kaya naghintay na lang siya sa lobby sa ibaba.
Pag-aari ng mga Monte Bello ang buong building na iyon kung saan nag-oopisina ang kanyang asawa. Halos kasinglaki iyon ng building na pag-aari ng kanyang ama.
Ilang beses na rin naman siyang nakarating sa kanilang kompanya at pilit na kinukumbinsi noon ang kanyang ama na hayaan siyang magtrabaho doon ngunit, hindi siya nito payagan. Kaya na daw ng mga kapatid niya ang trabaho doon.
She has three older brothers. Ang dalawa ay tapos ng management at ang isa naman ay lawyer. Siya naman ay graduate din ng management kaya gusto niya ring magtrabaho kagaya ng mga ito. But her father objected to that idea. She was already twenty-three years old and yet all she did was spent money and do everything she wants.
Her Dad pampered her and gave her everything. Lahat ng luho niya ay sunod nito to the point na minsan napapagkamalan siyang spoiled brat. At hindi naman niya masisisi ang karamihan na ganoon ang tingin sa kanya.
Ganoon pa man, she doesn’t exceed to her limitations. Siya na mismo ang naglalagay ng boundary para sa kanyang mga luho. Alam naman niyang ginagawa lang iyon ng kanyang ama because she grew up without her mother. Namatay ito sa panganganak sa kanya at sa ganoong paraan lang ito bumabawi sa kanya.
Her father never asked her to do anything. Kaya ng ipakilala nito sa kanya si Antonio at sabihing magiging asawa niya, she doesn’t think anything at all. Alam niyang alam ng daddy niya ang ginagawa nito and she trust him. Hindi siya nito ipapahamak kahit na kailan. At isa pa, nararamdaman naman niyang mabuting tao si Antonio.
Sinulyapan niya ang relo sa bisig. Pasado alas-dyes pa lamang at mukhang matatagalan pa ang ipaghihintay niya roon.
She lazily grabbed a magazine on top of table in the lobby and busily turned it’s pages. Iyon na lang ang gagawin niyang pampalipas oras.
Ilang sandali pa ang dumaan at medyo naiinip na siya. Tatayo na sana siya ng makita ang asawa na lumabas ng elevator.
Nakangiti siyang tumayo upang salubungin ito ngunit nakita niyang may kasama pala ito. Isang matangkad at magandang babae.
Nakilala niya ito kaagad dahil isa itong sikat na fashion designer sa bansa. Si Sabrina Ocampo.
Naka-angkla ang braso nito sa bisig ng kanyang asawa while sweetly talking to him. Manaka-naka’y ngumingiti si Antonio sa sinasabi nito at ganoon din naman ang babae.
Hindi niya alam kung anong ugnayan mayroon ito at si Antonio, pero unti-unting bumangon ang selos sa kanyang dibdib. Para iyong tinutusok ng aspile. Patalikod na sana siya ng biglang may tumawag sa kanya.
“Letizia, hija!” masiglang tawag ng kanyang ama.
Wala siyang nagawa kundi ang lingunin ito na kasalukuyang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Kasunod nito sina Donya Consuelo, Sebastian at ang asawa nito.