Chapter 5

1551 Words
Mabilis na nagmaneho si Antonio paalis sa mansyon ng mga Alvarez. Pero sa halip na sa bahay niya sila tumuloy, sa isang jewelry shop sila nagpunta na ikinapagtaka ni Letizia. “What are we going to do here?” tanong ni Letizia kay Antonio. “Buying our wedding ring and also your engagement ring,” sagot niya ng hindi ito nililingon. “We just got married, remember?” aniya sa malamig na tinig at nagpatiuna ng lumakad papasok ng shop. Wala namang magawa si Letizia kundi ang sumunod dito. Tahimik lang siya sa tabi nito habang kinakausap nito ang sales lady doon. “I’d like this one and this one,” narinig niyang sabi ni Antonio sa babaeng kaharap. Tumango naman ang sales lady bago nagtanong, “What are the sizes, Sir?” “Get her size,” ani Antonio sabay turo sa kanya, “and mine too,” dagdag pa nito. Tahimik namang sinukatan ng sales lady ang mga daliri nila Antonio. “How much is it?” tanong ni Antonio pagkatapos. “It’s fifteen million, Sir.” Walang kagatol-gatol na sagot ng sales lady. “Fifteen million!?” napatayo si Letizia ng marinig ang sinabi ng kaharap nila. Nanlalaki ang mga matang napabaling siya kay Antonio. Napataas naman ang kilay nito. “What? Isn’t it enough for you?” tanong nito. His cold gazed was like a knife piercing on her chest. Ibinaling niya ang tingin sa mga display sa harap. “N-no…” nag-e-stammer na sagot niya, “but…” hindi niya maituloy ang sasabihin. Naiwan ang pagpoprotesta sa kanyang lalamunan ng muli niya itong lingunin at makita ang uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. “But?” mahina pero naroon ang babala sa tinig nito. Umiling siya. “N-never mind…” mabilis na wika niya at nag-iwas ng tingin. Pero mukhang hindi kontento si Antonio sa sagot niya. Lumapit ito sa kanya and leaned forward pagkatapos ay bumulong sa may punong tenga niya, “I owed you ten million, remember?” sarkastikong wika nito at siniguradong siya lamang ang makakarinig noon. Napatda siya at hindi nakaimik. She was so sure that she was holding her breathe while listening to him. Ito na yata ang pinakamatinding insultong narinig niya sa buong buhay niya. Nanliliit siya ng mga sandaling iyon. And she made him feel like a real w***e! Nais na niyang umalis sa lugar na iyon, but Antonio gave her a warning looked. So, she just stayed with him until he paid the said amount with cheque. Walang pag-aalinlangang isinulat nito doon ang presyo ng mga singsing na para bang barya lang iyon dito. “Where do you want me to send it, Sir?” tanong ng sales lady pagkaabot sa cheke. Humingi naman ng papel si Antonio at pagkatapos ay isinulat doon ang address ng bahay nito. “Here,” anito at iniabot iyon sa babae. Pagkatapos magpasalamat ang sales lady ay lumabas na itong muli ng shop. She just followed. Para siyang isang robot na sunod-sunuran dito. Dumeretso sila sa bahay ni Antonio pagkagaling sa jewelry shop. Mabilis itong bumaba at binitbit ang gamit niya sa loob. “You know where my room is. Ikaw na ang mag-akyat ng mga gamit mo doon, may pupuntahan pa ako,” anito sabay talikod sa kanya. Mabilis naman niya itong hinabol. Papasakay na itong muli ng sasakyan nito ng abutan niya. “Wait! Saan ka pupunta?” tanong niya. Pabalibag na isinara nito ang pintuan ng kotse, na ikinapitlag niya at inilang hakbang lang ang pagitan nila. “Don’t you dare asked me, kung saan ako pupunta. Hindi porke't ikinasal na tayo ay sasabihin ko na sa ‘yo ang bawat kilos o galaw ko. Ikaw ang kusang pumasok sa sitwasyong ito, kaya panindigan mo.” Tiim-bagang na sabi nito at pagkatapos ay mabilis itong sumakay ng kotse nito at pinaharurot iyon paalis. Nanghihina ang tuhod na napaupo na lang si Letizia sa harap ng pintuan habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Ibang-iba ang ipinapakita nito ngayon sa nakilala niyang Antonio kagabi. Nababasa niya sa mga mata nito ang matinding galit na nararamdaman. Hindi niya alam kung para saan iyon ngunit, ang ipinagtataka niya ay kung bakit nagpakasal pa ito sa kanya gayong sukal naman pala iyon sa kalooban nito? She wasn’t sure kung ano ang kahihinatnan ng pagsasama nila, lalo pa ngayon na hindi niya alam kung paano ito pakikisamahan. Hindi niya rin alam kung matatagalan ba niya ang nakikitang galit sa mga mata nito. But one thing is for sure, she will suffer from many sleepless nights from now on. Bigla ay parang gusto na niyang maiyak. Ano ba itong napasok niya? Ngayon pa lang ay nagsisisi na siya kung bakit pumayag siyang makasal dito. ** “Mama! Mama!” ang galit na galit na tawag ni Antonio sa ina ng makarating sa casa. Dito siya tumuloy pagtapos niyang iwanan si Letizia sa bahay niya. “Why are you shouting Antonio?” mahinahong tanong ni Sebastian na kalalabas lang ng library. Bahagya pa siyang nagulat ng makita ito doon. Akala niya nasa honeymoon ang mga ito. Huminga muna siya ng malalim bago ito tinanong, “Nasaan si Mama?” Wala siyang panahong magpaliwanag sa kapatid. Gusto niyang marinig mismo sa bibig ng ina ang tungkol sa testamentong ipinakita sa kanya nina Augusto at Attorney De Torres. “What is it Antonio?” tanong ng kanyang ina. Inaalalayan ito ni Candice palabas ng kwarto nito. “What was the meaning of this?” mabilis niyang tanong sabay lapit dito. Ibinigay niya dito ang papel na naglalaman ng agreement ng kanyang ama at ni Augusto. Binasa naman nito iyon. “So, you already talked with Augusto,” kalmadong wika nito habang nakatingin sa kanya. Pagak siyang napatawa. “So, he’s telling the truth. Alam mo ang tungkol sa bagay na ito,” mapait niyang wika. Nagkatinginan ang mag-asawa ni Sebastian. Hindi masundan ng mga ito ang pinag-uusapan nilang dalawa ng ina. “Ano bang tinutukoy ni Antonio, Mama?” nakakunot-noo ng tanong ni Sebastian sa kanilang ina. Donya Consuelo sighed. Iniupo muna ito ni Candice sa sofang malapit dito. “It’s about your father’s will, Sebastian.” Wika nito. Lalo namang lumalim ang gatla sa noo ng kanyang kapatid pagkatapos ay nagtatanong na nilingon siya. “Tito Augusto and Attorney De Torres talked to me about Papa and Tito Augusto’s agreement. Na kapag hindi ko pinakasalan ang anak ni Tito Augusto, everything I’ve worked hard for will come into waste,” nag-iigting ang mga bagang na sabi niya. “What!? Why would Papa will do that?” sunod-sunod na tanong ni Sebastian. Antonio smirked. “Para saan pa ba? Everybody knows kung gaano kaganid sa kapangyarihan si Papa. At ikaw mismo ang makapagpapatunay doo.” “Antonio!” bahagyang napalakas ang tinig na saway ng ina sa kanya. “What? Ipagtatanggol mo na naman ba siya?” hindi makapaniwala ang mga matang tinitigan niya ang ina. “For God’s sake, Mama! Matagal na siyang wala pero parang hindi naman! Because he could still manipulate people! He could still manipulate us until now. And everyone in this house knew about that. Wala siyang pinalagpas!” Galit na galit na dagdag niya. Hindi niya makontrol ang sarili ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay para siyang sinasakal, and he was going to explode kung hindi niya mailalabas lahat ng hinanakit at galit na namamahay sa dibdib niya. Blangko ang mukhang tinitigan siya ng ina. “Stop talking like that with your father. Hindi mo alam ang mga ginawa niya para sa inyong magkakapatid,” may halong pait na turan nito. Antonio laughed sarcastically ng marinig ang sinabi ng ina. “Para sa amin? O para sa kapritso niya?” sarkatiskong saad niya. “We all know kung bakit umalis noon sina Aurora at Andrea. And we all know why Kuya suffered... It’s all because of him!” nanggagalaiting sigaw niya. “Antonio! Tama na!” ma-awtoridad na saway sa kanya ni Sebastian. Ito naman ang tinitigan niya. Sadness and hatred filled his eyes. “Why Kuya? Huwag mong sabihin sa aking hindi ka man lang nagtanim ng galit sa kanya? You became a different man because of him. Wala kang magawa sa tuwing sasabihin niyang, Sebastian do this, Sebastian do that. He didn’t even give you any choice! Lahat ng desisyon mo sa buhay kailangan may basbas niya. At baka nakakalimutan mo, kaya muntik ng mapahamak si Bella at Candice ay dahil din sa kanya,” litanya niya. Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Sebastian bago siya sinagot. “That’s all in the past Antonio. I couldn’t blame Papa for doing that. Dahil kung hindi niya ginawa iyon, hindi ko sana mararating kung nasaan man ako ngayon. I am here because of him.” Paalala nito sa kanya. Umiling-iling siya. “Nasasabi mo lang yan because you already have your own life now.” “Antonio please… just trust your father. I know he only did that for your own sake,” nakikiusap na wika ni Consuelo sa anak. “Huh! Trust? I don’t really know Mama,” sarkastikong tugon niya. “But don’t worry, if you will also asked me to marry Tito Augusto’s daughter… well… huli na kayo. Because I already did. Kanina lang.” Antonio smirked again pagkasabi noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD