Walang halos nabago sa loob ng bahay namin. Narito pa rin ang lahat ng mga gamit namin mula sa mga gamit sa kusina, sa sala, sa dining area at aming mga silid hanggang sa aming mga damit. Natutuwa ako at kahit paano ay inalagaan pala ni Yael ang bahay namin kahit sukdulan ang galit niya sa aming buong pamilya. Maging ang mga mamahaling alahas ni Mama ay naririto pa rin sa silid nila ni Papa at maayos pa rin na nakasalansan sa drawer kung saan niya ito tinatago. Tila nga walang ginalaw o wala man pumasok sa mga silid. "Gusto ko lang itanong kung bakit para yatang wala naman kayong ginalaw o kinuha sa mga gamit namin ng pamilya ko?" tanong ko kay Yael na tahimik na nagkakape sa sulok ng balkonahe. Tumingin siya sa akin at itinuro ang isang bakanteng bangko at pinauup ako. May nakahand

