Episode 53

2029 Words

Tagumpay ang naging operasyon kay Yael. Noong mga oras na inooperahan siya ay halos maglakad ako na nakaluhod habang nagmamakaawa na buhayin siya at huwag munang kunin dahil hindi niya pa oras. Masyado pa siyang bata para mawala. Marami pa siyang gagawin para sa bayan ng Guadalupe. Napagtanto ko sa sarili ko na mahalaga talaga sa akin ang asawa ko. At pinangako ko rin na mabuhay lang siya ay aaminin ko na sa kanya ang katotohanan at bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya at kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya kung ano ang dapat kong aminin sa kanya. Lahat ng mga dapat kong sabihin sa kanya hanggang sa pinakamaliit na detalye ay sasabihin ko. Mahirap din namang mabuhay na may lihim ka. Gusto ko rin namang lumaya. Gusto ko rin na gantihan ang kabutihan ni Yael sa pam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD