Malapit ng matapos ang oras ng trabaho ko kaya sabik na ako sa pag-ikot ng mabilis ng mga kamay ng orasan dahil maya-maya ay makakauwi na ako sa bahay para makapag pahinga. Sa bahay na halos ayoko na rin namang uwian. Sino pa ba ang nais na umuwi pa sa isang tahanan na wala ka na rin namang kahit sinong dadatnan? Wala na si Papa. Wala na rin si Mama. Wala na rin si Ynez na mas maaga ng nag-asawa kaysa sa akin. Hindi ko na rin naman masisi si Ynez kung naghanap siya kaagad mg ibang magbibigay sa kanya ng pagmamahal dahil nakakalungkot nga naman ang naging kwento ng aming buhay. Dahil hindi naman sanay sa trabahong mabigat sa construction site si Papa ay nagkasakit siya matapos lang ang ilang linggong pagbabanat ng buto. Sakit na lumala dahil hindi niya naman iniinda at pilit na it

