"Kita mo nga naman ang pagkakataon, ano? Papunta pa lamang sana ako sa bahay mo ngunit heto ka at natagpuan na kita dito pa lang sa daan." Nagtanong ako kay Pido kung alam niya ba kung saan nakatira si Katherine para makausap ko tungkol sa ginawa niyang pamamahiya sa anak ko. Hindi alam ni Mama Cora o kahit pa ni Yael na balak ko talagang puntahan ang babaeng kulang sa aruga kaya pati ang anak ko ay pinagdidiskitahan ng kung anong kanyang galit sa akin. At hindi ko nga akalain na magkikita na kami dito pa lang sa daan. Napansin ni Pido ang isang sasakyan na siya raw laging gamit ni Katherine na nakaparada sa isang convenient store kaya naman pinahinto ko na rin ang sasakyan namin sa tabi. At hindi nga ako nagkamali. Makikita ko nga ang babaeng tila tinakasan ng lahat ng dugo sa mu

