Natakot naman si Rebecca sa pagbabanta ko sa kanya at sa buong pamilya niya. Hindi ko rin naman talaga siya tatantanan hanggat hindi nila binabago ang mabigat na paratang nila sa kapatid ko. Kung nagawa mang barilin muli ni Ynez si Fernan para mapagtakpan ang kasalanan ko ay hindi rin din naman talaga aabot sa karumal-dumal na kamatayan kung naging maayos si Fernan. Isa siyang adik kaya nagkaroon na ng sakit sa utak. Minsan napapaisip ako na kasalanan ko rin kung bakit humantong si Ynez sa ganung sitwasyon. Nagkulang ako ng oras sa kapatid ko dahil puro trabaho na ang inatupag ko kaya siguro ganun na lang madaling napamahal sa ibang tao ng hindi muna inaalam ang pagkatao ni Fernan. Aminado naman ako na nawalan na ako ng oras para kamustahin siya ngunit para rin naman sa kanya. Gusto

