KABANATA I

1419 Words
I: THE ASPIRANTS The commendable beadle's pov "Rjay anak, mag-ingat ka dito, ha? Wala na ako na nanay mong palaging titingin sa'yo kaya utang na loob umayos kang bata ka. I-uuwi talaga kita sa bahay kapag nagloko ka!" 'Yan ‘yong mga paalala ni mama nang ihatid niya ako dito sa seminaryo kahapon. Hindi na ito bago pero nalulungkot pa rin ako sa tuwing naririnig ko ito sa kanya. Wala na talagang mas sasakit pa sa pamamaalam ng isang seminarista sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina. Nakakapanghina. ‘yung tipong kahit ayaw mong mangyari ay kailangan dahil isa ‘yun sa mga dapat mong iwan. Kagaya na lamang nung nararanasan ko kahapon na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin. Nakakalungkot mang balikan pero sa ika-apat na pagkakataon ay iniwan ko uli si mama nang mag-isa. Patay na kasi si papa kaya sobrang hirap talaga sa parte ko ang iwan siya para piliin ang pangarap ko. Wala akong magagawa, pangarap ko ‘to, eh. Sabi nga nila, ang kaakibat raw ng pagpasok sa seminaryo ay ang matinding sakripisyo. Kaya heto ako ngayon, kahit nasasaktan ay nagsa-sakripisyo. Ako nga pala si Rjay Asuncion. Nasa ikaapat na baytang na ako ngayon sa pag-aaral ko sa pilosopiya sa seminaryo dito sa bayan ng Del Pilar. Nakakalungkot lang isipin na sa labing dalawang kasama ko sa seminaryo n’ung mga nakaraang taon, ako na lang ‘yong naiwan sa kanila. Ako lang kasi yung nakayanang magsakripisyo. Nakakalungkot na ako na lang talaga. Wala na akong kasama dahil pinalabas silang lahat tatlong taon na ang nakakalipas. Swerte ko nga, eh, dahil natira pa ako. Mukhang niloloob talaga ng Diyos na maging pari ako balang araw. Pero kahit ganun pa man, gusto ko pa ring may makasama ako sa taon na 'to. Nakakalungkot naman kasi kung mag-isa na lang ako palagi. Ang lungkot na nga lang ng buhay dito sa seminaryo, wala pa akong kasama sa paglalakbay tungo sa bokasyon ng pagpapari. Kamusta naman iyon, 'di ba? Kaya laking tuwa ko nang malaman ko sa bagong rector ng seminaryo na si Fr. Paul Adriano na may dalawampung binata ang gustong pumasok sa seminaryong pinapasukan ko. At may isa raw sa dalawampung iyon ang magbabalik-loob, hindi ko nga alam kung sino, eh. Ayaw kasi sabihin ni padre. Pero ang balita ko, kilala ko raw yung taong iyon dahil kasabayan ko raw ito noong pumasok ako sa seminaryo tatlong taon na ang nakalilipas. Marahil ay isa ito sa mga piniling lumabas. Na-excite tuloy ako sa ideyang iyon, dahil kung sakali ay hindi na lang ako ang pinaka-matanda sa amin. Haha! "Rjay." Napatigil ako sa pagpapastol ng mga tupa sa damuhan ng seminaryo nang marinig ko ‘yong boses ni Fr. Adriano. Lumingon agad ako kay padre saka ako yumuko bilang paggalang. "Ano po 'yon, padre?" Tanong ko sa isang hindi katandaang pari na nakatayo sa harapan ko. May hawak itong isang tasa ng kape sa kaliwang kamay, inuunti-unti niya ang paghigop nito. Tamang tama sa malamig na dala ng Amihan. "Darating mamaya ang dalawampung aspirants. Maghanda ka dahil isa ka sa magi-interview sa kanila." Panimula nito. Tila ako’y naguluhan. "Po?" Naguguluhan kong tanong. Ako? Isa ako sa mga mag-iinterview? Bakit? "Oo, ikaw nga. Hindi kasi makakarating si Fr. Richard kaya naisip kong ikaw na lamang ang pumalit sa kanya, hindi rin makakarating si Fr. Leon kaya tayong tatlo lang ang haharap sa kanila. " sabi ni padre. Tatlo? So, sino ‘yong isa? "Ah..ganun po ba?” Nakakatangang tanong ko. “Oo. O ano pang ginagawa mo? Magpalit ka na.” “Po? S..sige po, padre." Natatarantang sagot ko saka ako yumuko at nagpaalam. Sa totoo lang, hindi talaga ako makapaniwala na darating ang araw na ito na isa ako sa magiging pannelist ng mga aspirants. Iniisip ko pa nga lang ay na-eexcite na ako. Kung noon, ako ‘yong isa sa mga ini-interview, ngayon, ako na ‘yong isa sa mga mag-iinterview. Nasa itaas ng building ang ang kwarto ko kaya dali-dali akong umakyat para magpalit. Nasa may dulo ng east wing ang kwarto ko, halos isang minuto ang layo mula sa kinalalagyan ko ngayon. Habang nadadaanan ko ang mga bakanteng kwarto ay hindi ko napigilang mag-imagine. Alam ko, malapit na ‘yung araw na mapupuno ng halakhakan ang lugar na ito. Ang tahimik kasi. Para akong mababaliw dito, Nang makapagpalit ako ng itim kong uniporme, mas kilala sa tawag na clerical, ay dumeretso na ako sa lobby kung saan ako nakakarinig ng mga ingay. Tiyak kong galing iyon sa mga aspirants. Nang marating ko ang lobby ay tumambad sa akin ang isang grupo ng mga binatang nakaupo na tila nag-hihintay sa pagdating namin ni padre. Bigla silang tumahimik. Tila nakiramdam sila sa aking pagdating. Ngumiti sila nang makita nila ako at bumati pa ng magandang umaga sa akin. Una pa lang ay kitang-kita ko na na may iba't iba silang personalidad. Mapapansin kasi iyon sa pananamit nila. Sino kaya sa mga ito ang makakasundo ko? "Magandang umaga rin sa inyong lahat." Sagot ko saka ako ngumiti. Inikot ko pa ‘yong mata ko saka ko hinanap ‘yong sinasabi ni padre kanina na magbabalik-loob pero wala akong nakita. Ilan lamang sa kanila ang kilala ko pero hindi iyon ‘yong tinutukoy ni Padre na balik-loob ng seminaryo. Marahil ay nahuli ito sa pagdating. "Ikaw po ba si Fr. Adriano?" Nagulat ako nang may lumapit sa aking isang binata na nakasuot ng puting t-shirt at makapal na eye-glasses at akmang magmamano ito sa akin. Biglang uminit ‘yung pisngi ko. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ewan ko tuloy kung compliment ‘yun dahil nakikita na sa tindig ko ang pagiging pari o insulto dahil mukha na akong matanda hahaha! Grabe! Dalawampung taon pa lang ako mga tsong! "Ako si Fr. Adriano, hindi siya." Narinig kong bungad ng isang pamilyar na makapal na boses sa likuran namin. Boses iyon ni Fr. Paul Adriano. Bigla tuloy nagtawanan ‘yong ibang kasamahan nung binatang lumapitsa akin kanina. Pero teka, mukha na ba talaga akong matanda? Naku, mukhang ito na ang epekto ng pamumuhay ko nang mag-isa dito sa seminaryo. "Sorry po, akala ko po talaga kayo si Fr. Paul. " Sabi naman n’ung binata. Nginitian ko lang ito saka ako bumaling ng tingin kay padre na nakangiti rin sa mga binatang nasa harap namin ngayon. “Mukhang kailangan mo nang magdiet, Rjay.” Biro ni Father sa akin. Ngumiti na lang ako. Pero seryoso, ‘di naman ako ganun kataba ha? Atsaka, nakakamature ba ng mukha ang pagiging mataba? Aray! "Siya nga pala ang kuya Rjay Asuncion niyo, fourth year na siya ngayon sa formation at siya na lang ang naiiwan sa batch nila." Pagpapakilala ni padre sa akin. Ngumiti ako saka tumango sa mga binatang nasa harap namin. Oo, ako nga ‘yon. Ako lang ito. "Wow! Ang tibay ninyo naman po, brader!" Kumento ng isang binata na naka-black na kung umasta ay parang gangster. Ngumisi ako, may napadpad palang tropa ng mga gang dito. "Oo nga po, sana maging kagaya po namin kayo. Sana magtagal din kami dito sa seminaryo." Dagdag pa ng isa pang binatang may kalakihan ang katawan. "Bok, parang sure mo na na makakapasok ka, ah?" Kumento nung isa pang nakaitim na binata dahilan para magtawanan sila. Wait, ano bang meron sa kulay itim bakit halo lahat ata sila nakasuot nun? "Oo, dapat lang na matulad kayo sa kuya niyo Rjay dahil masipag 'to, at matatag sa bokasyon na tinatahak. " Sabat naman ni padre. Bigla tuloy akong namula na parang kamatis. "Opo, pipilitin ho naming, fr., basta po ba lahat kami ay makapasa sa interview." Sabat ng isang lalaking nakataas ang buhok. Ngumiti si padre sa kanila. "O siya, simulan na natin. Handa na ba ang lahat?" Panimula ni padre. Tumango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon. Ngunit bigla akong nagtaka, hindi pa sila kumpleto. Wala pa ‘yung isa? "Pero Padre, kulang pa po sila wala pa po ‘yong isa , ‘yong ano po, ‘yong balik loob, hindi po ba natin siya hihintayin?" "Wag kang mag-alala, hijo, darating din siya. Nagsabi siya sa akin na mahuhuli siya ng ilang minuto. Atsaka wag kang mag-alala dahil hindi naman siya kasama sa iinterview-hin natin, bagkus ay tutulong siya sa pag-iinterview." "Ah, ganun po ba?" Sagot ko. Ibig sabihin ‘yong balik-loob pala ang kasama naming mag-iinterview sa mga aspirants? "Oh, eto na pala siya eh." Sabi ni padre na napatingin sa likod ko. "Magandang umaga ho, Fr. Paul." Sambit ng isang lalake sa likod ko. Mukhang siya ‘yong tinutukoy ni padre na balik-loob. Sa totoo lang, hindi pamilyar ang boses nito sa akin. Unti-unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino ‘yong taong iyon. Teka, s..siya? Seryoso ba ito? Magbabalik loob siya? Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD