Chapter 12

2461 Words
ALEXANDRIA Dahil sa sama ng loob ko kay Gregg ay hindi ako nagpakita sa kanya buong maghapon. Hindi na rin namin ginawa ang routine sa tuwing hapon. Pinasabi ko na lang din kay Manang Trining na masakit ang ulo ko kaya kailangan ko muna magpahinga. Nang gabi na ay kinatok ako ni manang sa kuwarto para kumain pero ang sabi ko ay hindi pa ako nagugutom. Pero dahil nakaramdam na ako ng pangangalam ng sikmura ngayon ay minabuti ko na lamang ang bumangon. Hindi rin naman ako makakatulog kapag kumakalam ang tiyan ko. Masakit din sa ulo kapag hindi ako kumain. Lumabas ako sa kuwarto at saka bumaba ng hagdan para tunguhin ang kusina. Pagdating ko doon ay sabay pa kaming nagulat ni Ate Rhea. Tila katatapos lang nito makipag-usap dahil hawak nito ang cellphone. "Bakit gising ka pa, ganda?" tanong nito. "Nagugutom kasi ako, Ate Rhea. Ano'ng oras na po ba?" tanong ko saka alanganing ngumiti. Naghanap ako ng makakain sa ref. Hindi na ko kakain ng kanin dahil baka hindi agad ako matunawan. "Malapit ng maghating-gabi, ganda. Bakit naman kasi hindi ka kumain kanina? Alam mo bang nagpabili pa ng ice cream si Sir Gregg para sa 'yo." Natigilan ako sa sinabi nito. Salubong ang kilay na binalingan ko siya. "Ice cream? Para saan? Pampalubag loob?" sarkastiko kong tanong at muling tinuon ang atensyon sa loob ng ref. "Pampalamig ng ulo n'yo pareho," anito saka tumawa. Napapailing na lamang ako sa birong iyon ni Ate Rhea. Hindi mawawala ang inis ko sa kanya sa ice cream lang kung totoo man ang sinasabi ni Ate Rhea na nagpabili siya niyon para sa akin. Humingi lang s'ya ng sorry, mawawala na ang inis ko sa kanya. "May niluto si manang na kare-kare. Teka nga at iinitin ko." "Hindi na, Ate Rhea. Tinapay na lang ang kakainin ko." "Mabubusog ka ba d'yan?" "Hindi kasi ako kumakain ng marami sa gabi, Ate Rhea. Okay na sa akin ang tinapay at Soya Milk," sabi ko saka ito hinarap. Hawak ko na rin ang nakita kong slice bread at soya sa loob ng ref. "Ay, wow! Kaya pala ang sexy mo," sagot nito saka ako pinasadahan ng tingin. Nakasuot ako ng maiksing short at maluwag na damit tulad ng dati. Paano ako naging sexy sa paningin nito? Tinawanan ko na lamang ito at naupo sa bakanteng upuan sa center table. "O s'ya sige, ganda. Maiwan na kita at ako'y inaantok na. 'Yong ice cream, nariyan lang sa ref. Kainin mo para naman hindi sayang ang effort ni Sir Gregg. Love ka no'n kaya ka binilhan ng pampalamig ng ulo," sabi nito bago ako tinalikuran. Naiwan naman sa bibig ko ang tinapay na kinakain ko dahil sa huling sinabi ni Ate Rhea. Napapailing na lamang ako habang kumakain ng tinapay. Nang maubos ko ang tinapay at Soya Milk ay muli akong nagbukas sa ref. Nagpalinga-linga muna ako kung may naligaw ba na kasama ko sa bahay sa loob ng kusina. Baka kasi bumalik si Ate Rhea at tuksuhin pa ako. Natakam ako sa ice cream kaya hinanap ko iyon sa loob ng ref. Lumawak ng pagkakangiti ko ng makita ko iyon. Naglagay lamang ako sa baso at binalik ko rin sa ref. Sa kuwarto ko na lang ito kakainin. Malapit na ako sa hagdan ng mapansin ko na tila may liwanag sa loob ng silid kung saan pumapasok kami para tunguhin ang elevator ni Gregg. Lumapit ako at ng bubuksan ko sana ang pinto ay hindi ko mapihit ng seradora. Naka-lock sa loob. Nilapit ko pa ang tainga ko para pakinggan kung may tao sa loob ngunit wala akong marinig. Napapaisip tuloy ako kung gising pa ba siya ng ganitong oras. Baka nakalimutan n'ya lang isara ang ilaw. Minabuti ko na lamang na pumanhik na sa kuwarto. Nang nasa tapat na ako ng kuwarto ko ay hindi ko naiwasan na sulyapan ang kuwarto niya. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na humahakbang patungo sa tapat ng kuwarto niya. Gusto ko sana na pakinggan lang kung may gumagalaw sa loob pero tila may sariling isip ang kamay ko na pinihit ang seradora ng pintuan niya. Kumunot ang noo ko ng mabuksan ko ito. Ibig sabihin ay hindi niya na-lock ang pintuan ng kuwarto niya. Sumagi tuloy sa isip ko ng makita ko si Cecil na paakyat ng hagdan. Baka kaya hindi naka-lock ang pintuan niya dahil hinihintay niya ito kung tama man ang iniisip ko. Tila naman parang may tumusok na karayom sa dibdib ko sa isiping iyon. Nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko mawari. Kahit mali ang gagawin ko na pumasok sa kuwarto niya ay nilakihan ko ang awang ng pintuan. Kahit ilaw lang sa lampshade ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kuwarto ay alam kong walang tao sa kama. Para na namang uminit ang ulo ko dahil alam ko na kung bakit wala siya sa kuwarto niya. Para lang makumpirma na tama nga ang hinala ko ay tinungo ko ang closet niya at pumasok sa elevator. Habang nasa loob ng elevator ay kumakain na ako ng ice cream. Natutunaw na kasi. "Gregg Benedicto, kapag tama ang hinala ko, malalagot ka talaga sa 'kin," nanggigigil na sabi ko. Hindi dapat niya pinupwersa ang binti niya. Alam ko na kaya na niyang maglakad pero dapat ay nasa tamang kondisyon ang binti niya. Nang nasa first floor na ako ay nagmamadali akong lumabas ng elevator. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya sa Thread Mill. Animo'y natural na lang rito na nakakapaglakad na ito. "Sir Gregg!" agaw ko sa atensyon nito na ikinalingon naman nito. "L-Lexa?" gulat na usal nito. Tinigil nito ang thread mill at nakangiting kinuha ang crutches na nasa gilid ng thread mill at dahan-dahang lumapit sa akin. Tagaktak na ang pawis nito ng lumapit. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nakataas ang kilay na tanong ko. "H-ha? I am exercising." "Exercise? Nang ganitong oras? Hindi mo dapat pinupwersa ang binti mo. Kanina lang tayo nagsimula. Gusto mo ba talaga malumpo ng tuluyan?" sermon ko rito. "I-I'm sorry. I didn't mean it. Gusto ko lang naman na makalakad na at saka mahina lang ang pagpapatakbo ko," parang bata na katwiran nito. "Kahit na! Kung gusto mong makalakad, ilagay mo sa tamang proseso. Piste, ako ang mapapahamak sa ginagawa mo. Tingnan mo nga 'yang pawis mo. Tapos maliligo ka?" "Of course. Ayoko matulog na malagkit." "See. Pagod ang binti mo kaya hindi pwedeng basain. Nag-iisip ka ba talaga?" hindi ko napigilang sabihin. Natahimik naman ito sa sinabi ko. Kapag-kuwa'y sinulyapan nito ang hawak kong baso. Makahulugan itong ngumiti sa harap ko pero tinaasan ko lang ito ng kilay. Nakita ko ang hawak nitong towel kaya kinuha ko iyon mula sa kanya. "Hawakan mo 'to," utos ko at inabot sa kanya ang hawak kong baso na may ice cream. Kinuha naman nito iyon habang nanatiling nakatitig sa akin. Pumuwesto ako sa likuran niya at pinunasan ko ang likod niya. Marahil ay kanina pa niya ito ginagawa kaya basang-basa na siya ng pawis. "Huwag mo na itong uulitin, Sir Gregg. Hindi makakatulong ang ginagawa mo. Sa umaga mo ito gawin huwag sa ganitong oras. Huwag ka muna magbabasa ng katawan mo. Okay lang sana kung magaling ka na nga talaga ay pwede mo itong gawin pero nagsisimula pa lang tayo. Huwag matigas ang ulo mo kung gusto mong gumaling kaagad." Lumipat ako sa harap niya. "Hubad." "What?" tila hindi makapaniwalang tanong niya. "Ang sabi ko, hubad," ulit ko at kinuha sa kanya ang baso na pinahawak ko. Sinubukan ko rin na tanggalin ang crutches. Malaya naman siyang nakatayo ng maayos. "Are you sure?" "Oo. Pupunasan ko rin 'yang harapan mo. Naliligo ka na sa sarili mong pawis. Twenty five pa lang ako, Sir Gregg, pero kapag ikaw ang kasama ko, para na akong forthy dahil para kang bata na kailangan pa pagsabihan kung ano ang tama at mali…" Habang sinasabi ko iyon ay nakatingin ako sa ginagawa niyang paghuhubad ng t-shirt sa harapan ko. Tila slow motion sa paningin ko ang ginagawa niya. Mula sa pagtaas niya ng damit hanggang sa tuluyan na niyang nahubad. Holy s**t! Nagkamali yata ako ng sinabi na hubarin ang damit niya dahil napalunok ako ng tumambad sa mata ko kung gaano kaganda ang katawan niya. Hindi nga ako sigurado kung nakaawang ang bibig ko sa nakita ko. Napalabi pa ako at walang kakurap-kurap na lumapit sa kanya. "Alexandria, pigilan mo ang sarili mo. Huwag mong ituloy iyan!" protesta ng bahagi ng utak ko. Ngunit namalayan ko na lamang ang aking sarili na inabot ko sa kanya ang hawak kong baso at hindi ko na binalik sa kanya ang crutches dahil nabitawan ko na ito. Makapigil ang hiningang pinunasan ko ang katawan niya. "Focus, focus. Kailangan mo maging natural sa harap niya," kumbinsi ko sa sarili. "I promise, hindi ko na uulitin, Lexa. Akala ko kasi pwede," sabi nito ngunit nanatili lamang akong naka-focus sa ginagawa ko. Tila kasi nag-e-enjoy ako sa pagpupunas ng katawan niya. Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa katawan nito? Kahit ilang taon yata ito hindi magbabad sa gym ay maganda pa rin ang hubog ng pangangatawan nito. Bukod sa six-pack abs nito ay maumbok pa ang dibdib nito. May tattoo rin siya sa taas ng dibdib niya. Tila salita iyon pero hindi ko masyado mabasa dahil maliit. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang muscle niya sa braso na sa bawat paggalaw niya ay para iyon nagngangalit sa laki. Bakit nga ba hindi ko iyon napansin ng mga nakaraang araw? Siguro dahil madalas na lang kami magtalo at hindi ko napapansin ang physical appearance niya maliban lang sa guwapo talaga siya. "s**t! Pwede ko bang hawakan sandali?" Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko na lumabas pala sa bibig ko ang sa isip ko lamang sasabihin. "Bibig mo talaga, Alexandria!" pagalit ko sa sarili. Napaatras ako ngunit maagap niya akong nahawakan para hilahin palapit sa kanya at hinapit ang baywang ko. Nang magdikit ang aming katawan ay nagsimula na namang rumagasa ang kaba sa dibdib ko. "You can touch me, Lexa. I am giving you permission to touch me," halos pabulong ng sabi niya sa akin. Hanggang sa tinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya kung saan may tattoo siya. Saka ko lang nabasa ng malapitan ang maliit na sulat doon. No matter what happen, I will find you, L. Iyon ang nakasulat sa dibdib niya. Sa puntong iyon ay nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya. Dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala. "Sino ang tinutukoy mo rito?" tukoy ko sa tattoo niya. "An important person I should never have left," sagot nito. Tumango-tango lamang ako. Nakaramdam ako ng inggit sa taong iyon. Kung sino man siya ay napakaswerte niya dahil hinahanap siya ng isang katulad ni Gregg Benedicto. Ilang segundo na napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kapag-kuwa'y muli niyang hinawakan ang kamay ko at pinagtapat ang aming mga palad hanggamg sa tuluyan na niyang pinagsalikop iyon. Kung may musika lang sa loob ng kuwarto ay tiyak na para lang kaming nagsasayaw. "Until now, I still can't believe that you are the only one who dares to argue with me. I can't see in your eyes that you're afraid of me even though I'm out of prison," anito na halos ilapit na ang mukha sa akin kaya naman ay pigil ang hininga ko. "Tell me, Lexa. Are you afraid of me?" dugtong pa nito. Nagpalipat-lipat ang mata niya sa mga mata ko. Tila binabasa niya ang iniisip ko sa paraan ng titig niyang iyon. "Hindi," mabilis kung sagot. Sumilay naman ang ngiti sa labi niya na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. Mas lalo lang siyang gumwapo sa paningin ko. "Galit lang ako sa mga taong galing ng bilangguan." Patuloy ko. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa huli kong sinabi. "But I'm one of them. Why? Dahil ba sa mga kasalanan namin?" "Not all. Galit lang ako sa mga taong nakasama ng kuya ko sa kulungan na basta na lamang siya iniwan na parang basahan sa loob," sabi ko na puno ng galit. Unti-unti na namang bumabalik ang sakit ng malaman ko na namatay ang kuya ko na wala man lang kalaban-laban na binugbog ng mga kapwa nito preso. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na nag-uunahan na pala ang mga luha ko sa pinsgi. Nang makita niya iyon ay agad niya itong pinalis gamit ang kaniyang daliri bago ako niyakap. Marahan niyang hinagod ang likod ko. Pinaramdam niya sa akin na sa simpleng yakap, kahit paano'y maibsan ang sakit na nararamdaman ko. "I'm sorry to hear that, Lexa. Ano'ng kasalanan ng kuya mo? Baka pwede pa natin magawan ng paraan," anito. Pagak akong tumawa sa huli niyang sinabi. Kung buhay pa sana ang kuya ko ay kaya pa gawan ng paraan. Pero wala na s'ya. Matagal na siyang kinuha sa akin. "P-patay na ang kuya ko, Gregg…" pagkatapos ko iyon sabihin ay humagulgol na ako ng iyak. Mas lalo pa humigpit ang yakap niya sa akin. Simula ng mamatay si mama, si Kuya Alfie na ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay. Kahit magkaiba ang aming ama ay hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako. Itinuring niya akong kapatid hindi katulad ng ipinaparanas sa akin ni Kuya Anton. Ngunit ng dahil sa mga walang konsensya at kaluluwa niyang mga kasama na nagdala sa kanya sa isang gulo para makulong siya at mamatay ay wala na ang nag-iisang pamilya ko. Kaya pinangako ko sa sarili na hindi ko hahayaan na mag-krus ang landas namin ng mga kasama niya sa bilangguan. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko sila. Wala rin akong ideya sa mga mukha nila. Alam ko na maimpluwensyang tao ang mga nakasama ni Kuya Alfie sa kulungan. Doon pa lang ay wala na akong laban. Kaya nilang bayaran ang lahat dahil may pera sila. Pero maniningil ako sa paraan na hindi nila makakalimutan. "I-I don't know what to say. I'm sorry…" Muli akong tumawa sa paghingi niya ng sorry. Akala mo'y siya ang may kasalanan. "Para kang ewan," natatawa kong turan. "What happened to your brother? Sa kulungan ba s'ya namatay?" "Oo." "What happened?" "Binugbog lang naman siya ng mga preso sa kulungan. Namatay siya sa bugbog at wala man lang ginawa ang mga nakasama niyang nakulong doon. Hindi sana mangyayari iyon kung hindi siya nasangkot sa gulo. Ang masaklap, iniwan siya sa kulungan samantala ang mga kasama niya na walang mga puso ay nakapagpyansa." Ilang segundo ang pananahimik nito. "What's his name?" "Alfie, Alfie Gomez." Pagkatapos ko iyon sabihin ay halos hindi na ako makahinga sa lalong paghigpit ng yakap niya. Sinubsob pa niya ang mukha sa leeg ko. "I'm sorry," muling usal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD