ALEXANDRIA Buong araw akong lutang habang nasa trabaho. Gustuhin ko mang umuwi dahil wala naman sa trabaho ang isip ko ay hindi ko magawa. Masyadong maraming araw na akong sinayang kaya hindi pwedeng mag-undertime ako. "Bestie, okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. Hindi na naman ba kayo okay ni Sir Gregg? Oo nga pala, hindi ko na s'ya nakikitang dumadalaw sa 'yo rito. Busy?" walang preno ang bibig na bungad sa akin ng magaling kong kaibigan ng lumapit ito sa akin. Iniiwasan ko nga sila lapitan dahil sigurado ako na magtatanong sila tungkol sa amin ni Gregg at hindi nga ako nagkamali. Gusto ko maiwasan ang mga bagay na nakapagpapa-alala tungkol kay Gregg at kahit pangalan niya ay ayaw ko muna marinig ngayon dahil lalo lang ako nasasaktan pero may mga tao talagang hindi maiiwasan

