ALEXANDRIA Masayang kausap si Rois. Walang dull moments kapag siya ang kasama. Parati siyang may pambato na nakakatawang jokes. Heto nga at hindi na namin nagawang maupo dahil hindi kami nauubusan ng pagkukwentuhan. Nagsama pa kaming parehong madaldal. Nandito kami sa sulok kung saan walang masyadong dumadaan na tao. May kalayuan din ito kung saan ginaganap ang event pero tanaw naman ang gitna. "Now that I know where you work, you'll always see me there, Alexa. Kulang ang gabing ito para makilala pa natin ang isa't isa. I like talking with you. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng katapat sa pagiging madaldal ko dahil sa 'yo," kakamot-kamot sa ulo na sabi nito sabay tawa. "Oo nga eh. Pero huwag mo namang araw-arawin. Baka magsawa ka sa pagmumukha ko," biro ko.. Natigilan ito saka matam

