Chapter 5

2290 Words
ALEXANDRIA Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumangon ako sa higaan. Papunta na sana ako sa kusina ng may narinig akong kumalabog sa ikalawang palapag. Sinulyapan ko ang wall clock sa sala. Pasado alas onse na pala ng gabi. Ipinagwalang bahala ko na lamang ang narinig ko dahil baka guni-guni ko lamang iyon. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay muli kong narinig ang kalabog at isang sigaw. Nagmamadali akong umakyat sa pinanggalingan ng sigaw. Dinala ako ng paa ko sa tapat ng kuwarto ni Gregg. Agad ko itong binuksan at nakita ko itong namimilipit sa sakit na nakadapa sa sahig. Binuksan ko ang switch ng ilaw at agad itong dinaluhan. Namumula ang mukha nito dahil sa iniindang sakit. Napansin ko rin na nakatumba na ang wheelchair nito. "f**k! I hate this!" anito at sinubsob ang mukha sa sahig at hinampas ito ng paulit-ulit. "Sir Gregg," usal ko. "Don't touch me. Akala ko ba ay hindi mo na kayang tagalan ang ugali ko? Bakit nandito ka pa?!" asik niya sa akin. "Aalis na dapat ako. Nakiusap lang si manang na bukas na ako umalis," nagawa ko pang isagot rito. Pagak itong tumawa at muling napasigaw ng ginalaw nito ang binti. "Sir, please. Kahit ngayon lang, makisama kayo. Hindi ko na maaaring gisingin sina Mang Joseph at Jestoni. Tulungan n'yo na lang ako bago n'yo ako palayasin," pakiusap ko rito. "Masakit nga!" bulyaw niya na halos ikabingi ko. Nakaluhod ako at pilit na tinutulungan siyang bumangon. "Tiisin n'yo!" ganting asik ko rito dahilan para titigan ako nito. "Okay, okay. Sorry sa mga sinabi ko kanina. Kayo kasi eh, ang init ng ulo n'yo," paninisi ko pa rito. "I can't believe you. Nag-sorry ka pero nagawa mo pa rin akong sisihin," napapailing na sabi nito. Sumimangot na lamang ako. Hindi na ako nagsalita at sinubukan itong itayo. Mabuti na lang at nakisama ito dahil kahit namimilipit ito sa sakit ay nagawa pa rin nitong isampa ang sarili sa kama. "Ano ba kasing ginagawa n'yo at nasa sahig kayo?" tanong ko habang inaayos itong maupo sa kama. Nang sa tingin ko ay nakaupo na ito ng maayos ay ang wheelchair naman nito ang inayos ko. "I was just trying to walk," sabi nito na ikinatigil ko. Nanlaki ang mata ko at natutop ang aking bibig. "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mainitin lang ang ulo ko but I am not a lier," sabi nito at nag-iwas ng tingin. Sa tuwa ko ay impit akong tumili at parang bata na tumalon-talon dahilan para kunot noo ako nitong sulyapang muli. Tumigil naman ako sa aking ginagawa at nilinis ang aking lalamunan saka sumeryoso. "Well, that's a good news, Sir Gregg," pormal kong wika at naupo sa paanan nito. Umusog pa ako ng kaunti at inangat ang isang binti nito saka ipinatong sa hita ko. Narinig ko naman ang daing niya. Marahil kumirot ang binti niya sa ginawa ko. "What is the good news about that?" "Ang ibig sabihin lang ay malapit na kayong makalakad. Sinubukan n'yo kasing tumayo. Base na rin sa layo mo sa wheelchair ay nagawa n'yo ng maihakbang ang mga paa n'yo which is good. Nakatulong din ang araw-araw n'yong daily treatment kahit panay sigaw ang natatanggap ko sa inyo," nakangiting paliwanag ko rito habang marahan na hinihilot ang binti niya. Hindi ko siya narinig na sumagot. Nang matapos kong hilutin ang binti niya ay ang isa naman ang binalingan ko. Narinig ko na lamang pagpapakawala niya ng buntong-hininga dahilan para balingan ko siya. Parang gusto ko naman mag-iwas agad ng tingin ng magkasalubong ang aming mga mata ngunit tila may pumigil sa akin na gawin iyon. Kumibot ang sulok ng bibig niya na animo'y may gustong sabihin ngunit hindi lang niya masabi. "You're welcome," nakangiti kong usal at muling tinuon ang atensyon sa binti niya. "What?" "Hindi naman mahirap sabihin ang thank you kaya in-advance ko na," sagot ko na nanatiling nakatuon ang atensyon sa ginagawa. "Are you leaving tomorrow?" Tumigil ako sa paghilot ng binti niya. Kapag-kuwa'y nagpakawala ako ng buntong-hininga at muling nagpatuloy. "Kung ayaw mo na palitan kayo sa pwesto, hayaan mo akong gawin ang tungkulin ko sa inyo. Pasasaan ba at makakaladkad din kayo. Kapag nangyari 'yon, ako ang unang-una na matutuwa. Alam mo kung bakit?" nakangiti kong wika at awtomatikong napatingin sa kanya. "Why?" blangko ang mukha na tanong nito. "Kasi, nakaya ko pagtiisan ang ugali ninyo. Baka bigyan mo pa ako ng award niyan dahil ako lang ang namumukod tanging nakatagal sa ugali ninyo," natatawa kong sagot. Ngunit tumigil agad ako dahil naging seryoso ang mukha niya. Inabala ko na lamang ulit ang aking sarili sa ginagawa. Nang sa tingin ko ay wala na itong balak na magsalita ay tinapos ko na ang aking ginagawa. Dahan-dahan kong nilipat ang binti niya sa kama para hindi siya masaktan bago ako tumayo. "Lalabas na po ako," paalam ko rito ngunit nanatili lamang itong tahimik at seryosong nakatitig sa akin. Tumalikod na ako at tinungo ang pintuan. "I'm glad that you won't leave me, Lexa," anito na ikinatigil ko sa paghakbang. Para akong tinulos na kandila sa aking kinatatayuan ng marinig ko mula sa kanya ang tinawag niya sa akin. Ngayon ko na lang kasi ulit narinig ang gano'ng tawag sa akin. Maliban sa mama ko ay may long lost friend ako na Lexa rin ang tawag sa akin. Pumihit ako paharap sa kanya na hindi naitago ang ngiti sa labi ko. For the first time ay tinawag na niya ako sa pangalan ko. Ngayon ko napagtanto na kahit sa kaunting sandali ay napaamo ko ang isang Gregg Benedicto. "I'm also glad that you finally said my name. Sabi sa 'yo eh, hindi naman mahirap banggitin ang pangalan ko," pagbibiro ko dahilan para matawa ito. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang pag-tawa niya. Hindi pilit at natural ang binitawan niyang tawa sa harap ko. Kalauna'y huminto rin siya at patay malisya na nilinis ang lalamunan saka muling sumeryoso ang mukha. "Matutulog na ako. Lumabas ka na," utos nito na pilit binabalik ang dating ugali. Hindi na ako sumagot. Nakangiti kong tinungo ang switch ng ilaw at saka pinatay. Muli akong pumihit paharap sa kanya at nagkasalubong ang amin mga mata nang balingan ko siya. Base na rin sa nakikita ko dahil sa lampshade sa gilid ng kama niya ay pigil ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. "Goodnight, Sir Gregg," sambit ko at tuluyan ng lumabas ng kuwarto niya. Nakangiti ako habang bumababa ng hagdan. May narinig akong tila nagmamadali na papalayong yabag ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka isa lang sa mga kasama namin sa bahay. "Marunong ka palang tumawa, Gregg Benedicto?" sambit ko nang marating ang kuwarto ko. Ngunit nanlaki ang mata ko kasabay ng singhap ko. Tiningnan ko ang ibabang bahagi ng katawan ko. Niyakap ko ang sarili dahil nawala sa isip ko na wala pala akong suot na panloob. Hindi kaya pigil ang ngiti niya kanina dahil nakita niya ang dibdib ko? "Oh, s**t!" Hindi malabong mangyari iyon dahil puting t-shirt ang suot ko. Kahit maluwag itong suot ko ay babakat ang tuktok ng dibdib ko. Mapapansin pa rin ito dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng kuwarto niya. Dahil sa naisip ay impit akong tumili at sinubsob ang mukha sa unan. Nang-gigigil na sinuntok ko ang unan na yakap ko na animo'y siya ito. "Bastos ka talaga, Gregg Benedicto! Manyak!" impit kong tili. Nakatulugan ko na lamang ang pagkapahiya kong iyon. Kinabukasan ay maaga ako gumising. Masigla kong binati ang mga kasama sa bahay. Nagtaka naman ang mga ito lalo na si Manang Trining dahil ang alam nito ay aalis na ako. "Hindi ka na aalis?" nakangiting salubong na tanong niya sa akin. "Nagbago lang naman po ang ihip ng hangin," natatawang sabi ko rito. "Maliligo lang po ako, manang, tapos ay akyatin na po natin si Sir Gregg." "Nasa hardin na si Gregg, hinihintay ka," sabi nito saka makahulugang ngumiti. "Oh, wow! What a surprise, manang. Sabi sa 'yo eh, nagbago ang ihip ng hangin," sabi ko at tumatawang tinalikuran ito. Isang himala ito kung gayon. Dati kasi ay pahirapan kaming pababain ito. Masisigawan muna ako bago ito bumaba. Sandali lang akong naligo. Pagkatapos ay lumabas na agad ako ng kuwarto. Hindi ko dapat ito paghintayin dahil baka magbago na naman ang mood nito. Pagdating ko sa hardin ay hindi nga nagbibiro si manang dahil nandoon nga siya. Lalapit na sana ako ng may pumigil naman sa aking braso. "Magkape ka muna ng mainitan ang tiyan mo," bulong sa akin ni Manang Trining. "Mamaya na manang, pagdating namin. Baka magbago kasi ang isip at mawala na naman sa mood. Samantalahin ko muna ngayon," bulong ko rin rito na ikinatawa nito ng mahina. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon. Lumapit ako sa kanya. Tulad ng inaasahan ko ay salubong ang kilay niya at seryoso ang mukha pero hindi na mababakas ang madilim na awra na araw-araw kong nakikita sa tuwing magkakaharap kaming dalawa. Bagamat seryoso ay maaliwalas at kalmado na ang mukha niya ngayon. "Good morning, Sir Gregg," masiglang bati ko rito. Imbes na batiin din niya ako ay pinasadahan lang niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bumalik tuloy sa isip ko ang nangyari ng nagdaang gabi. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil naramdaman ko ang pang-iinit ng mukha ko. "Hindi ka ba nagsasawa sa suot mo?" bagkus ay sabi nito. Awtomatiko naman na sinipat ko ang aking sarili. Nakasuot lang naman ako ng light blue na scrub suit na tinernuhan ko ng white sneakers. Natural lang naman na ito ang isuot ko dahil nagtatrabaho ako. "Uniform namin ito, sir," sagot ko. "I don't like it. Naaalibadbaran ako sa suot mo. Nasa bahay ka lang naman kaya kahit hindi na iyan ang isuot mo," ma-awtoridad na sabi nito. Sumimangot ako sa sinabi niya. Pasyente ko lang siya kaya wala siyang karapatan na pakialaman ang dapat kong isuot. "Wala akong ibang dalang damit maliban sa mga pangtulog ko, sir," paglilinaw ko rito ngunit huli na para bawiin ang sinabi ko. Isa na rin kasi sa pangtulog na tinutukoy ko ay ang suot ko ng nagdaang gabi. Dahil sa sinabi ko ay sumilay ang ngisi sa labi nito. "I like what you wore last night," makahulugang sabi niya. Para lang makabawi man lang sa kahihiyan ay may pumasok sa isip ko. Bahala na kung um-epekto o hindi. "Gusto n'yo po ba, sir?" nakangiti kong tanong rito. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "What?" "Ang sabi ko, kung gusto n'yo po? Ibibigay ko na lang sa inyo. Maganda po ang tela no'n," pigil ang tawa na sabi ko. "Are you trying to say that I am a gay?" hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. Kibit-balikat lamang ang naging tugon ko. Magsasalita pa sana siya ng pumuwesto na ako sa likuran niya para itulak ang wheelchair. Nang madaanan ko si Jestoni ay binati ko ito. Alanganin naman itong ngumiti at tila nahihiyang nagkamot sa ulo. Gano'n din ang ginawa ko ng makita ko si Mang Joseph na naglilinis ng sasakyan. Mahigit kalahating oras din kaming nag-ikot sa exclusive subdivision nila. Kapag ganitong oras na hindi pa gano'n kataas ang sikat ng araw ay may mga nagjo-jogging pa. Kaya nga ang ilan na napapadaan sa amin ay hindi maiwasang tumingin lalo na sa kasama ko na balewala lang ang ginagawang pagpapa-cute ng mga kababaihan. Kinasanayan na rin siguro nito na nililingon siya ng mga babae. Pagkatapos ng pag-iikot ay bumalik na kami sa bahay. Parang gusto ko ulit maligo dahil tagaktak din ang pawis ko. Dahil sariwa pa sa akin ang pagkapahiya ko ay pinakiusapan ko si Manang Trining na ito muna ang magpalit kay Gregg ng damit na agad naman nitong sinang-ayunan. Tulad ng daily routine nito ay kailangan muna nitong maligo bago kami magsimula ng session nito. Pagkatapos kong maligo ay muli akong kumuha ng bagong scrub suit at iyon ang sinuot ko. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Cecil na hindi maipinta ang mukha. Hindi ko ito napansin kanina bago kami lumabas ni Gregg kaya wala akong ideya kung kanina pa ba mainit ang ulo nito. Nahawa na yata ito kay Gregg. "Letche! Nariyan na naman siya," narinig kong sambit nito ng dumaan sa tabi ko. Natatawa na lamang ako na tinungo ang hagdan papunta sa kuwarto ni Gregg. Siguro naman ay tapos na siyang maligo at nakapagpalit na. Wala na rin siguro sa loob si manang. Hindi pa man ako nakakalapit ay narinig ko ang tila ungol na nagmumula sa kuwarto niya. Hanggang sa naging malinaw sa pandinig ko ang kumawalang ungol sa loob ng tuluyan na akong makalapit sa pinto. "Oh, f**k!" Kinabahan ako dahil baka sinubukan na naman niya na tumayo at maglakad. Agad kong binuksan ang pintuan ng kuwarto niya para lang magulat. "Holy, s**t!" gulat na usal niya ng makita ako. Nanlaki ang mata ko na pilit ko pang inire-rehistro sa utak ko kung ano ang nangyayari. Kinurap-kurap ko pa ang aking mata dahil baka namamalikmata lang ako sa aking nakikita. Nakahiga siya at may kung ano'ng hinahawakan sa bandang ibabang bahagi ng katawan niya. Bumaba pa ang mata ko ng mapagtanto ko na buhok ng isang babae ang hinahawakan niya na tila may nakasubo sa bibig nito. Wala na rin itong suot na pang-itaas kun'di tanging maliit na tela na lamang ang natitira na nakatakip sa maselang bahagi ng katawan nito. "f**k! Get out, Lexa!" sabi niya na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nang mapagtanto ko kung ano ang nakikita ko ay mariin akong pumikit at mabilis na tumalikod saka isinara ang pintuan. Nakagat ko ang aking ibabang labi at nagmamadaling bumaba ng hagdan. "Oh my god! Hindi na virgin ang mata ko!" hindi makapaniwalang bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD