Simula

902 Words
"Sereneeeee! Gumising ka na ngang bata ka! First day na first day late ka!" Agad na napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko, idagdag mo pa ang pagkalabog ng pinto na s'yang ikinasimangot ko. "Serene! Isa nalang talaga. Babangon ka r'yan o babangon ka!?" sigaw nitong muli mula sa labas ng kwarto. "Ito na nga oh, babangon na!" Agad na bumaba ako ng kama at inayos ito, pagkatapos ay dumiretso sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. First day of school ngayon, pero tinatamad ako. Like hello? Sino bang 'di tatamarin? Alam naman ng lahat na kapag first day, walang maayos na klase. Tss, ewan ko nga ba't kelangan ko pang pumasok ng maaga, introduce yourself lang naman ang gagawin buong maghapon. Matapos kung gawin ang mga kinakailangan gawin ay agad din akong lumabas, dala ang cute kung bag. Nakasalubong ko naman agad sa hagdan si Kuya Sydrick na kakagising lang ata. "Oh, bunso ikaw pala 'yan?" saad nito habang nakangising nakatingin sa akin. Inirapan ko naman agad ito. "Hindi, aparasyon ko lang ang nakikita mo," Napailing naman agad ito dahil sa isinaad ko, habang nagpatiuna naman agad ako sa pagbaba sa hagdan. Tsk. Muntanga lang. "Buti naman at naisipan mo pang gumising," bungad agad ni mama ng makita ako. Nakataas pa ang isang kilay nito, at nakalagay sa beywang ang isang kamay habang ang isa naman ay may hawak na spatula. "Oh siya, kumain ka na." kapagkuwa'y saad nito at tumalikod na sa'kin. Napasimangot naman agad ako lalo. Shutta, hirap talaga pag maldita nanay mo, tsk! Inilapag ko na lang ang bag ko sa katabing upuan tsaka umupo na't nagumpisang kumain. Maya-maya pa'y pumasok si Kuya Sydrick. "Morning ma," bati nito kay mama, tsaka ako hinarap. Ngumisi pa ito pagkatapos ay tumalikod. Nakatingin lang ako kay kuya habang siya'y nagtitimpla ng kape. Gwapo sana si Kuya Syd, kaso gago. Kaya siguro walang s'yang jowa HAHAHA. "HOY!" Nabalik naman agad ako sa reyalidad dahil sa sigaw ni kuya. Sinamaan ko naman agad ito ng tingin na siya rin namang ginawa niya pabalik sa'kin. "Baliw, nginingisi-ngisi mo r'yan? Muntanga, baka bukas-makalawa mabalitaan ka na lang naming naka-admit na sa mental ah, naku talaga Serene Aleriana..." Aba't! Gago talaga. Ewan ko ba ba't naging kapatid ko ang bakulaw na 'to. "HA HA HA ang funny mo naman kuya." sarkastikong saad ko sinabayan pa ng pekeng tawa. "Parang mukha mo, funny." Ngumisi naman agad ito at umupo sa kaharap kong upuan. "Baka nakakalimutan mo, magkapatid tayo. Kaya kung funny mukha ko, mas lalo 'yong sayo. HAHAHAHA!" Naiiritang sinipa ko naman agad ang paa nito sa ilalim ng mesa, mas natawa naman pa ito dahil sa ginawa ko Shutta, nakakainit talaga ng dugo si Kuya! Grr. . . "Tama na nga 'yan." Napatingil naman agad kami ng magsalita si mudrabells. "Kumain ka na nga r'yan Serene. Ke-aga aga nag-aasaran na naman kayong dalawa," dagdag pa ni mama. Umismid naman agad ako tsaka sinamaan ng tingin si kuya, ngunit binelatan lang ako ng gago. Napasimangot naman agad ako't nagpatuloy nalang sa pagkain. *** "Alis na po ako ma," paalam ko kay mama matapos kong kumain at magtoothbrush. Tumango naman agad ito bilang pagtugon. "Sa'kin 'di ka magpapa-alam?" Agad naman akong napatingin kay kuya tsaka tinaasan ito ng kilay. "Bakit? Sino ka ba? Hindi naman kita kilala ah?" saad ko pa't ngumisi. Napasimangot naman agad ito. "Aba't— Umalis ka na nga lang! Pangit mo talaga kabonding!" Napahagalpak naman agad ako ng tawa dahil doon at nanakbong lumabas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad agad sa'kin si Niesha, ang bestfriend kong mahal na mahal ng lupa dahil sa cute na height nito. Pftt. "Good morning Bruha!" bati nito tsaka ngumiti ng malapad. Sa katunayan ay maganda si Niesha, matalino rin. Kaso kinulang lang sa height MWAHAHAHA. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami, dahil na rin siguro sa magkaibigan din ang mga magulang namin ay naging magkaibigan na rin kami. Buong buhay ko s'ya na talaga ang kasa-kasama ko, kaya nakakasawa na rin minsan makita ang pagmumukha nito. Charot lang. Mahal ko 'to kahit na cute ang height nya, 'yun lang 'di lang halata. "Good morning din bruha. So anong tsismis? " bati ko rin pabalik habang naglalakad kami papuntang eskwelahan. Since walking distance lang naman ang school namin, mga ilang minuto lang ay makakarating ka agad. Ngumisi naman agad ito, bago tumingin sa akin. "Pano mo nalamang may bagong tsismis ako? Manghuhula ka na ba ngayon??" tanong nito. I flicked her forehead, which made her yelped. "Inamoka talaga! Masakit 'yon ah!" Nakasimangot na saad nito, nginisihan ko naman agad ito pagkatapos ay sinagot ang tanong nito. "Dakilang tsismosa ka kasi, kaya alam ko agad na may baon kang tsismis." natatawang saad ko, mas lalo naman itong napasimangot. "Shutta, updated lang talaga ako! Makatsismosa ka kala mo naman 'di ka rin tsismosa, hmp!" saad pa nito. "Pero ito na nga, naalala mo pa ba si Sir Adriel?" Napakunot naman agad ang noo ko dahil sa tanong nito. "Sir Adriel?" "Oo teh! As in 'yong crush na crush mo no'ng Junior HS HAHAHA!" saad nito tsaka tumawa. "So 'yon nga, sa school na rin natin siya ngayon magtuturo!" dagdag niya pa. Nangislap naman agad ang mga mata ko ng maalala kung sino ang tinutukoy nito. I grinned. Oho~ mukhang magiging masaya ang school year na 'to Mwehihihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD