Serene
Annoying. Annoying. Annoying. Kasing annoying ni Adriel ang babaeng kasama ko ngayon.
"Iww! Ang cheap naman nito!"
"Yuck! Why so mabaho here
Mahihimatay ata ako!"
"Ano ba?! Don't touch me nga! Baka mahawaan ako ng bacteria galing sa 'yo!"
"Augh! I wanna go home naaa!"
"b***h, shut the f**k up! Nakakarindi 'yang boses mo!" iritang sigaw ko sa kay Tana na ngayon ay nanahimik na pero nakasimangot.
Natahimik din naman ang mga saleslady na nasa tabi dahil sa sigaw ko. Nandito kasi kami ngayon sa mall— sa loob ng isang botique to be exact. I'm still in the bad mood because of what happened earlier. Nakakainis kasi, hindi ko naman sana kasama ang babaeng 'to ngayon if isn't because of her mother! Grr.
It's been 2 weeks since they've arrived here. Sa dalawang linggo ring iyon ay suki na sila rito sa bahay na siya naman kinaiirita ko. I mean, seriously? Wala ba silang sariling bahay at dito sila lagi namb-bwesit? Ghaddd!
"Serene, 'lika nga muna dito," pagtawag sa 'kin ni Shan. Napataas ang kilay ko ngunit lumapit na lang sa kanila. Mahirap na, nakatingin si Mama eh. Kaya no choice.
"What?" I asked. Shan smiled and hold her daughter's hand.
"Can you accompany my daughter today? May gagawin kasi kami ng mommy mo kaya 'di ko masasamahan si Tana," agad namang nag-reklamo si Tana dahil sa sinabi ng ina.
"Mom, I can go naman without her eh," maarteng sabat ni Tana tsaka ako inirapan. Halata rin sa mukha niya ang pagka-disgusto niyang makasama ako.
Napa-ismid naman agad ako. As if naman gusto ko rin siyang makasama. Like dzuh!
"Kaya nga naman. Tss, matanda na siya at hindi niya na kailangan ng babysitter," sabi ko tsaka umirap.
Nang mapatingin ako sa kay mama ay pinanlakihan ako nito ng mga mata habang may nagbabantang tingin. Napasimangot na lang ako.
"Please, Serene. Bibili raw kasi siya ng dress niya for the party sa friday," napakunot naman agad ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong party ang pinagsasabi nito?
"Ah right. We decided kasi ng mommy mo na magpa-party sa birthday ni Sydrick." dagdag niya ng mapansin ang reaksyon ko.
Napatingin naman ako kay mama na tumango lang kaya napabuntong hininga na lang ako.
'Tss, bibili-bili pa ng dress, for sure naman 'di siya mapapansin ng kuya ko.'
"Sige na 'nak. Samahan mo na, nasabi ko rin kasi sa Tita Shan mo na maganda ang fashion taste mo." biglang pag-imik ni mama. My face distorted because of what she said.
"Tss, bahala nga kayo d'yan!" sabi ko na lang at naglakad paalis.
Napag-desisyunan ko na lang pumunta sa kwarto ni kuya. Simula kasi kanina ay hindi ko pa nahahagilap ang presensya niya. Mukhang nagkukulong ata sa kwarto niya dahil siguro'y naamoy niyang may mga bwisita.
Walang katok-katok akong pumasok sa loob ng kwarto ni kuya. Ngunit wala akong naabutan sa loob. I walked towards his bed tsaka sumalampak doon. Nakarinig naman ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Napatulala na lang ako sa kisami. Indyanin ko kaya si Tana? Hindi naman 'yon magagalit, mas matutuwa pa nga iyon dahil hindi niya ako makakasama. Alam ko naman kung gaano ka-disgusto ng babaeng 'yon ang presensya ko. 'Di man lang tinago eh 'no? 'Di bale, the feeling is mutual naman tss.
"Ampota. Ano na naman kailangan mo?" napatingin naman agad ako kay kuya na gulat na napatingin sa 'kin. Umupo ako maayos tsaka siya tinignan. Basa pa ang buhok nito. topless din ito at tanging t'walya lang ang tanging saplot niya sa katawan.
I smirk as I raked my eyes off his well toned body. No wonder girl go crazy over him. In fairness, maganda pangangatawan ni kuya. Tumataginting na 8 pack abs. Hihihi. Si Sir Adriel kaya?
Napansin ko namang tinakpan bigla ni kuya ang katawan niya tsaka nang-aakusang tinignan ako. "Nakakatakot ka namang tumingin, Serene." sabi niya tsaka nagmamadaling pumasok sa walk-in-closet niya.
Napatawa naman agad ako tsaka muling humiga sa malambot niyang kama. Maya-maya pa'y lumabas din siya. Nakasimangot niya naman akong tinignan tsaka tinulak paalis ng kama. At dahil hindi ko inaasahan iyon ay nahulog ako.
Napa-igik naman agad ako sa sakit tsaka nakangiwing tinignan si kuya.
"Ansama talaga ng ugali mo eh 'no?" nakasimangot na sabi ko habang hawak-hawak balakang ko.
Inirapan niya naman ako tsaka pabagsak na umupo sa edge ng kama niya. Tumabi naman ako kay kuya tsaka siya niyakap.
"Kuyaaaa~"
He looked at me then raised his left brows. "What do you want brat?" he asked then shuffled my hair.
Napalabi na lang ako. "Tulungan mo 'ko. Ayoko sumama kay Tanaaa~"
Napakunot naman agad ang noo niya. "Ba't? Sa'n ba kayo pupunta?" tanong niya tsaka kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya. Sumimangot naman agad ako tsaka nga-cross arms.
"Eh pa'no ba naman kasi 'yong bruha r'yan, gusto bumili ng dress niya raw kuno. Ako pa talaga gusto nilang sumama sa babaeng 'yon," reklamo ko. Napatawa naman siya tsaka ngumisi.
"Miss ka na raw niya eh, gusto ka naman daw niyang maka-bonding." ngingisi-ngising sabi niya.
"Pero ba't daw ba niya gusto bumili ng dress? Hindi naman siya magmumukhang tao n'yon." tatawa-tawang dagdag niya.
I rolled my eyes, "Ano pa nga ba? Edi para magpa-ganda sa 'yo sa birthday mo tss." Nawala naman agad ang ngiti niya.
"What?"
"You heared me, kuya." I said.
Magsasalita pa sana siya ng may kumatok bigla.
"Baby Syd? Is Serene there? Aalis na raw kami eh," Nagkatinginan naman kami ni kuya. Napailing na lang siya habang ako ay naiinis na napaungot na lang.
Langya, istorbo ampota.
Hindi ko na siya pinansin pa at inirapan na lang siya. Nakaka-bwesit kasi talaga ang matinis na boses niya. Marinig ko pa nga lang na nagsasalota siya'y kumukulo na agad ang dugo ko. Hindi na rin ako magtataka kung pati itong mga kasama naming sales lady ay naiirita na rin sa kaniya. Puro ba naman kasi reklamo ang lumalabas sa bibig niya. Tss.
Iniwan ko na lang siya kasama ang dalawang sales lady ro'n tsaka naglibot na lang sa loob ng botique. Maya-maya pa'y nahagip ng paningin ko si Sir Adriel.
Napangisi na lang ako ng maka-isip ako ng super bright na idea. Tumingin muna ako sa kinaroroonan ng bwesit na babaeng 'yon. Kita ko naman agad na busy siya kakapili ng dress kaya naman hindi ko na siya pinansin pa at mabilis na lumabas ng botique.
Sasabihin ko na lang na may emergency, mwehihihi. Bahala na siya sa buhay niya.