CHLOE'S POV Sobra sobra na yung kaba ko dahil up to now diko pa nakikita si River, according sa bodyguard niya ay bigla na lang nawala at tinaguan sila ni River. May pagka naughty naman talaga kase ang anak ko lalo pat wala siyang kausap at makalaro, masyadong madaldal at madaming tanong ang batang yun kaya kahit ang mga bodyguard nito ay nauubusan minsan ng sagot para sa kanya. " any update kung nakita niyo na si River? "..tanong na wika ko sa dalawang bodyguard na kasama ko ngayon dito sa isang clinic sa hospital kung saan nag follow up check up kami sa doktor ni River. Iniwan lang kami saglit dahil mag rorounds muna siya sa mga pasyente niya. Sasagot na sana yung bodyguard ko nang sumenyas ako sa kanya na saglit lang muna at tumahimik muna siya dahil sasagutin ko lang yung phone nan

