CHLOE'S POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng room ni Quinn, nanibago pa ako sa paligid ko, nasa opisina nga pala ako ni Quinn, naka tulog pala ako, masama kasi ang pakiramdam ko kanina. Ito ang hirap sa akin kapag may sakit talagang inaabot ng matagal bago ako gumaling. Kahit simpleng lagnat or sipon man dumapo sa akin talagang inaabot ng ilang linggo bago ako gumaling, sadyang mahina daw ang resistensiya ko paliwanag ng doktor nun sa papa ko. Kaya ingat na ingat ang papa ko kapag may sakit ako. kahit maulanan ako or konting ambon man lang talagang nagkakasipon na ako at inaabot ng two weeks bago mawala ang sipon ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto at kitang kita ko ang pagtalak ng babaeng nakatalikod habang si Quinn ay hinihilot ang sintido niya, mukhang su

