“HEY!” tawa ni Cayel at sinubukang alisin ang mga kamay niya, pero hindi siya pumayag. Nababaduyan siyang hindi niya maintindihan. Ewan nga ba niya kung bakit napasunod siya sa script na sasayaw sila habang umeentra sa reception hall. “Okay lang ‘yan! ‘Yan na ang uso ngayon.” Narinig niyang sabi ni Cayel pero mariin siyang umiling at sinilip ang screen. Ang naroon ay ang first dance na nila ni Cayel as husband and wife. Nasa background ang boses ng isang lalaking singer na hindi niya kilala. Pero pamilyar siya sa kanta. Kinabig siya ng asawa at ikinulong sa mga braso nito. “Ano’ng song ‘yan, Cayel?” tanong niya at isinuksok ang mga daliri sa mahahabang daliri nito. “Only You Can Love Me This Way.” Sumikip ang dibdib niya. Parang gusto niyang sabihin ang sinabi ni Cayel dito mism

