KASALUKUYANG naglalaro ng basketball sina Miguel at Daniel habang si Maxene naman ay walang sawang nanonood sa mga ito. Kanina pa niya hinihintay na matapos ang game at saka niya lalapitan si Daniel. Nangangalay man sa katitiyad para masilip sa maliit na siwang ng bintana ang dalawa ay hindi pa rin siya sumusuko. Alam niyang hindi siya matitiis nito, tiyak na babatiin din siya ng lalaki. Inabot rin ng halos isang oras ang laro ng dalawa. Nang magsawa ay agad na namahinga ang mga ito, naupo sa magkaibang bench na nasa gilid ng half court nila. Nagtatawanan ang dalawa habang nag-uusap. Nang tumayo ang Kuya Miguel niya at pumasok sa kabahayan ay madali niyang nilapitan si Daniel. Nagulat ito pero agad ding nakabawi. Bitbit ang tuwalyang hawak ay tumayo na ito at saka siya tinalik

