"Tristan...may dala akong pagkain para sa inyo ng mga kapatid mo," malambing na sabi ni Susana. Tiningnan siya ng matalim ni Tristan. Si Susana ang babaeng patay na patay kay Tristan. Simula kasi nang iligtas siya nito sa kapahamakan, nahulog na kaagad ang loob niya sa binata. Sa edad na forty five ay byuda na si Susana. Mayroon lamang siyang dalawang anak na ngayon ay sa ibang bansa nakatira at may pamilya na. Si Susana na lang ang nandito sa Pinas dahil na rin sa mga negosyo niya. Mayamang tao si Susana dahil na rin sa dami niyang negosyo. At wala siyang pakialam kung mas bata sa kaniya si Tristan. "Ano bang problema mo, Susana? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong gusto sa iyo? Na hindi kita magagawang magustuhan? Bakit ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa akin?" naiinis

