Hindi na napigilang talaga ni Xian na nararamdaman dahil sa nakita niyang pagyayakapan ng dalawa. Nagkunwari si Nike na natatakot siya sa harapan ni Selena para si Xian ang maging masama at iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari. Na dapat ay mabait lang siya sa harapan ni Selena. "Daddy...tama na po 'yan...bakit po kayo nagagalit kay Nike?" wika ni Selena at saka itinulak ng bahagya si Xian. Napalunok naman ng laway si Xian dahil sa ginawang iyon ni Selena. Umaktong takot na takot at tila naiiyak si Nike. "Selena...bakit nagagalit sa akin ang daddy Xian mo? Anong ginawa kong masama?" naiiyak na sambit ni Nike. Napatingin si Selena kay Xian. "Daddy...bakit niyo po ginawa iyon? Bakit po kayo nagagalit kay Nike? Wala po siyang ginagawang masama, daddy. Naglalabas lamang po siya ng sa

