Tahimik na pinagmamasdan ni Nathan si Zeniah mula sa malayo. May kausap ito. Marahil isa ito sa mga taong mag- aasikaso ng kasal nila. Bumuntong hininga si Nathan. Wala sa isip niya na makapanakit ng kapwa. Wala siyang balak gumawa ng masama sa kapwa. Pero kailangan niyang tanawin ang utang na loob niya sa kaniyang tiyahin na si Susana. "Anong balak mo, Nathan? Susundin mo ba ang tiyahin mo?" sabi ni Jon na kaibigan ni Nathan. "Wala nga talaga akong balak eh. Ewan ko ba diyan kay tita kung ano ang pumasok sa isip niya kung bakit gusto pang gumawa ng masama sa kapwa niya. Mamamatay na nga lang lahat- lahat, gusto pang magkaroon ng kasalanan," inis na sambit ni Nathan. Natawa naman si Jon. "Oo nga eh. Hindi na lang niya tanggapin na hindi siya magagawang mahalin no'ng lalaki. Kahit sigur

