(Alisson) "Are you hiding something from me Alisson?" Pabalik- balik sa isip ko ang tanong ni Ethan habang nakatingin ako sa kanya. Madiin ang kanyang titig sa akin na parang pati ang aking kaluluwa ay kanyang nababasa. Hindi naman siguro si Aria ang tinutukoy nya. Hindi pa naman siguro nasabi ni Fiona sa kanya ang tungkol sa anak namin. "Ano naman ang itatago ko sayo Ethan?" kinaswal ko ang aking boses. Binitawan nya ang hawak na ballpen nang hindi pa napermahan ang annulment paper naming dalawa. "Marami. Tulad nalang kung buntis kaba ngayon." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Pinilit kong ipinasok sa aking isip ang kanyang salita. "Buntis? Are you crazy? Paano naman ako mabubuntis Ethan?" hindi ko napigilan at nahaluan ko ng galit ang aking boses. Titig na titig parin sya sa

