(Alisson) Masama ang loob ko. Hanggang ngayon, hindi parin mawala- wala sa isip ko ang nakita ko kanina. Nasaktan ako dahil isa akong ina. Mukhang mahal na mahal ni Ethan ang anak nila ni Fiona. Mamahalin din kaya nya si Aria na tulad sa pagmamahal nya dito kung sakaling ipakilala ko ito sa kanya? Marami akong katanungan pero takot naman akong malaman ang kasagutan. Si Aria. Ang aking Aria. Kawawa naman ang anak ko. At sa tingin ko, isa ako sa mga dahilan kung bakit naging kawawa sya ngayon. Wala kasi akong lakas ng loob na ipakilala sya sa kanya ama. Bakit ba napakakomplikado ng lahat? Simple lang naman ang hiling ko, ang mamuhay kaming masaya at tahimik ni Aria. Pero ginigisa ako ngayon sa kaguluhan ng aking isip. Dapat ko bang ipakilala ang anak ko sa kanyang ama? Ano ba ang magi

