(Alisson) "Ano ba yan pinagsasabi mo? Anong nagseselos dyan? Kapal ng mukha mo." pinagalit ko ang aking boses kahit sa totoo lang, sobrang lakas nang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit parang gumapang ang libong bultahe ng kuryente sa loob ng aking katawan dahil sa kanyang malalangkit na titig. Bahagya kong ipiniling ang aking ulo kasi ang nakikita ko sa kanya ay ang Ethan na minahal ko noon, hindi yon Ethan na may malaking kasalanan sa akin at kinasusuklaman ko. Ayaw kong maging marupok muli at bumalik sa dating ako kaya inalala ko lahat ng ginawa nyang kasalanan sa akin. Pero baliw na yata ang aking isip at bigla itong nagka- amnesia sa lahat ng pasakit na naranasan ko sa kanya. "Muli tayong mag- usap kung handa ka nang aminin sa akin ang ginawa mo." Lihim akong nagpasalam

