(Alisson) Gaano ba kasakit sa isang ina na hindi nya maibigay sa kanyang anak ang tanging bagay na pinakaasam- asam nito? Napakasakit. Yong bang parang sinasaksak ng isang matulis na patalim ang yong puso ng paulit- ulit. Yan ngayon ang nadarama ko, sapagkat hindi ko maibigay kay Aria ang hiniling nya sa akin na ipakilala sya sa kanyang ama. Mali ba ako? Mali ba ako kung gusto ko lang syang protektahan? Protektahan laban sa mga bagay na pwedeng makakasakit sa kanya. Hindi ko lubos akalain na makita ko mismo na yakap- yakap ni Ethan ang kanyang anak sa ibang babae. Sa babae na sumira sa pagsasama namin noon. Nasaktan ako. Nasaktan ako para sa anak ko. Anak nga nina Ethan at Fiona si Ehra. Ang kanyang buong pangalan ay Ehra Kelsey Montalban. What a coincidence at kapangalan pa talaga

