(Alisson) "Thank you mommy!" message sa akin ng aking anak na si Aria. "He is so handsome." dagdag pa nito. Wala na akong nagawa. Napipilitan ako na padalhan sya ng picture ni Ethan. Nag- iiyak na kasi sya at mukhang nahalata na nya ang kasinunggalingan ko. Madali lang naman kunan ng picture si Ethan ng palihim dahil lagi naman syang nasa tabi ko para asikasuhin ang mga kailangan ko. He really meant what he said that he will take care of me. Hindi ko ipinagpasalamat sa kanya ang ginawa nyang pag- aalaga sa akin. Kasalanan naman nya kung bakit ako nadisgrasya. Tatlong araw akong injured. At tatlong araw ko din pinagtitiisan na laging kasama at kaharap si Ethan. Kahit gusto kong lumayo, wala akong magagawa dahil nahihirapan ako sa pagkilos. Namamaga kasi ang aking paa. May mga gamot na

