Entry 3
Dear Diary,
Gumamit ako kanina sa library ng internet. Hello, ang mahal kaya ng miscellaneous fee nang minsang ma-trip-an kong usisain ang breakdown ng tuition, so kailangan i-maximize ang resources. And by maximize, I meant manood ng skin whitening product review and testimonies sa Viewtube.
Pero bawal daw as per Library policy.
Did I stutter though? Uhm, no! Patago pa rin akong nanood at in-insert ang earphone sa jack. Siyempre, in case na dumaan ang Librarian at ang kanyang Assistant nag-open ako ng browser, ng book, ng notebook para kunwari napakahuwaran kong mag-aaral.
However, half-way pa lang sa video, nahagip ng beautiful eyes ko sa ‘suggestion’ ang isang intriguing video – segment sa isang local show. Ayon daw sa statistics, forty-five percent daw `di umano ng mga Pilipino ay gustong pumuti, gustong magkaroon ng mala-porselanang kutis.
So alluding to that study, lumipad ang kanilang team upang mag-conduct ng experiment. Nagrecruit sila ng dalawang babae - isang mestisa, isang negrita. Pinatayo sila nang `di gaano kalayuan sa isa’t-isa. Nagtanong sila sa ten random interviewees kung sino sa dalawa ang higit na nakapukaw ng kanilang atensyon in a good way; tatlo lamang bomoto sa maitim, pito sa maputi.
Well, that sucked.
Hindi ko na sana tatapusin pa, pero no’ng isaisa na silang nagbigay ng rason kung bakit ‘yon ang kanilang pinagpipipili, ay! Listo talaga ang tenga ko, `Day. At karamihan sa narinig ko ay nakapagpapantig ng tenga. Tulad ng ganitong convo:
Interviewer: Bakit `yong mestisa ang napili mo?
Ate Gurl: Kasi parang mas malinis tignan! `Yong maitim kasi… parang ang dugyut.
And to think at earshot lang ng dalawang model ginawa ang interview, ha. Kung ako `yong babaeng maitim do’n, ay! Bless me Father for I have sinned! Papangahan ko talaga ang gaga kahit nagro-roll ang camera.
So kahit pala tumaas ang bill ng tubig kaliligo ni Ate Maitim, dugyut pa rin pala siya sa mata ng dimunyu? Pero ang maputi, kahit walang ligo, malinis pa rin tignan? Luh, matindi! Huwag niyang sabihin pati libag ng mapuputi e maputi! Naku, naku talaga! Kapang-init ng dugo!
Isa pa `to.
Interviewer: Bakit naman si Ateng Maputi ang pinili mo?
Boy: Ang lakas kasi ng dating e! May sipa! Atsaka `pag maputi, maganda!
I knew that. Pero, boy, `di lahat. Sarap sipain sa mukha nang buong lakas e. It’s like saying `pag maitim, pangit agad. Excuse me, ano. Ang dami kayang maiitim na ganda-ra! Si Tyra Banks, si Naomi, si Beyonce, at siyempre, ako! Duh. Kaya huwag niyang masabi-sabi `yan kay na!
Akala ko, Diary, wala na akong maririnig na maganda tungkol sa maiitim. Until narinig ko ang kaisa-isang lalaking bomoto sa maitim. The other two were girls.
Interviewer: Bakit naman `yong morena ang napili mo?
Boy: `Yan naman kasi ang kulay ng tunay na Pilipina e.
Interviewer: So, kapag hindi morena, hindi tunay na Pilipina?
(Feeling ko diary, may pinaghuhugutan ang interviewer.)
Boy: Hindi sa gano’n. Basta, para sa`kin, maganda ang babaeng komportable sa kanyang sariling kulay.
That reached the depth of my soul. Char. But at the same time, na-guilty ako. Because the fact that I’m trying to change the pigment of my skin means I’m not comfortable with it. Or maybe, not yet.
Entry 4
Dear Diary,
Tanong mo nangyari sa`kin kanina sa school. Dali! Tanong mo! Hay, nakakaloka. Gusto ko lang naman gayahin `yong mga nakikita ko sa pelikula e. `Yong eksenang mahuhulog ng girl `yong mga dalang papel ta’s may guy na tutulong sa pagpulot, ta’s magkakatinginan, ta’s boom! May lovelife na si Ateng!
Pero sa halip, ano napala ko? Kahihiyan.
Okay, ganito kasi `yon. Pababa na sana ako along the stairs nang matyempuhan kong paakyat si Harold. `Yong stairs na tinutukoy ko malawak `yong tipong bahain man ang school may space ang everyone para maghintay ng bangka’t ma-rescue. Minsan ng nangyari sa school ito, actually.
Habang hindi pa tumitingala si Harold, tumalikod ako’t tumapat wari sa weighing scale sa gilid. While on it, pinagtatanggal ko sa clip at folder `yong mga yellow paper at pinatong iyon sa ibabaw. Ang plano, magpapanggap ako na super bigat ng dala ko kaya malalaglag `to. Brainy ko, Sis, `no?
Sa isip-isip ko no’n, eto na Mareng Whitney! Ang opportunity na magkaroon ng 'one moment in time'. Pero shuta naman. Ang gusto kong karugtong no’n ay, 'when I'm racing with destiny' not 'with stairs'!
Pero wala e. The latter happened.
Nag-stumble and fall, down into the wall ang lola mo habang nagflo-floating ang mga confetti i.e mga quizzes kong bagsak-ation. Natupad, Diary! Na-reenact ko nga ang eksena. Ang problema, hindi naman ni-reenact ni Harold ang kanya. I was hoping he’d meet me half-way, in a rush to save the damned-sel in distress. Sadly, prior that, nakatalikod pala siya kay may wrong-timing mang dimunyu kumuha ng atensyon niya.
Naibigay lang niya `to sa`kin after tumuro sa direksyon ko `yong kumausap sa kanya. Nagtama mga mata namin no’n, Diary and I could sense gusto niyang iwan panandalian ang kaibigan upang ako'y kumustahin. Gusto ko siyang bumawi sa`kin kaya chill lang muna ako sa stairs.
Paakyat na siya. Hanggang sa sumulpot na lang itong si Onin mula sa kaliwa, paakyat din at nagmamadali. Nagtanguan pa wari sila ni Harold, ni-resume ang pag-akyat hanggang mag-slow down nang mapansin ako.
“Ikaw na ba tutulong kay Dana?” Harold asked.
“Uhm, sige ako na lang, Bro,” ani Onin, picking one of my yellow papers.
I couldn’t even shout to Onin and complain na si Harold ang gusto ko mag-save sa`kin or else, mapaparatangan akong ingrata. So just like that, my fantasy was ruined.
Ang sama talaga ng tingin ko kay Onin. Siya sinisisi ko kung bakit instead na tumuloy si Harold tinuloy niya ang pakikipag-usap sa kaibigan. At kung sa tingin niya `yang pagpulot ng yellow paper ko ay makapagpapahinahon sa`kin, hunghang siya! Hagisan ko siya ng watusi e!
`Di ko na hinintay i-offer niya ang kamay para itayo ako. I did it on my own, pagpag ang puwetan. I thought I was already annoyed. May ika-a-annoyed pa pala when he handed me my papers and said, "Mag-aral ka nga! Ang itim ng grades mo!"
“Lakampake!” Ini-snatch ko mula sa kanya ang mga papel ko’t pinagpatuloy ang pagbaba nang may pahabol ang hoodlum.
"Sa susunod huwag mong plaplanuhin. Hindi plinaplano ang pag-ibig."
I couldn’t believe nalaman niya! Like, how? Isang malaking dagok sa`kin `yon, Diary! Like, literal. Lumingon ako sa kanya’t dumuro. "Kung hindi ka umepal, si Harold ang aakyat! Eksenadora!”
“How about a ‘thank you’?” Yes, Ses, nag-demand pa talaga siya.
“O e`di thank you sa pagpulot ng papel,” sabi ko naman.
“Alam mong itatayo kita kung hindi mo `ko inunahan.”
“Ikaw, gusto kitang itumba. Bida-bida ka e.” sabi ko bago `yon sundan ng walk of shame.
Itayo sa mukha niya. It was an opportunity lost.