Entry 32 Dear Diary, Pink dress ang sinuot ko just because it’s Wednesday. It’s a Mean Girls code pero chill, I wasn’t a legit mean girl. I just observe it like a thing that was sacred, so holy. `Yong code nga lang ang ayaw mag-take sa`kin as holy. Holy s**t, maari pa. Actually, Mom warned me not to wear this dress. Mukha raw kasi akong barquillos na strawberry flavored. Ang masaklap no’n, she said that in the presence of Onin. Of course, that meant pinagtulungan nila ako. Kumuha ang impakto ng barquillos sa garapon at kinumpara ang kulay ng wafer sa balat ko. "Mas maputi naman `to, Tita, kesa kay Dana." Umusok nostrils ko, Be. "Ma, hahayaan mo lang talaga akong asarin nito sa pamamahay mo?" Tinaon kong `di nakatingin ang Mudra’t hinampas ko siya sa braso. He shouldn’t be here, any

