Hello attorney hanapan mo naman ako ng bahay yong malaki may malawak na bakuran sige po ako na bahala sir Jr. Attorney Jr nalang po. Parang walang iba naman na kayo sa amin kasi kayo ang tumulong sa akin at lahat ng pinapagawa ko malinis mong ginagawa attorney.. OK sige Jr update kita agad pag may nahanap na akung bahay. Salamat attorney.
Ilang bwan nalang ay uuwi narin ako sa pilipinas. Kumusta na kaya ang pilipinas ngayon buhay pa kaya yong bruhang yon?
Kumukulo ang dugo ko pag naaalala ko lahat ng pinagdaanan ko sa babaeng yon.
Malapit na tayong magkita malditang bruha!
Napayukom ng kamay si Jr sa inis.
Anak bakit salubong nanaman ang kilay mo dyan may ka away kaba? Wala po inay iniisip kulang yong pag uwi natin. Excited kana ba umuwi anak? Oo naman inay sariling bansa natin yong uuwian natin kaya masaya at excited na ako. Ikaw nay gusto muna bang umuwi? Oo naman anak kasi dadalawin ko mga kamag anak natin at yong mga kapit bahay natin dati anak.
Ikaw sino gusto mong makita sa pag uwi natin anak? Si Faye. Sino anak? Wala inay wag mo ako intindihin inay. Narinig ko eh. Sino si Faye anak? Siya ba ang napupusuan mo at hindi kapa nag gigirlfriend hanggang ngayon? Hindi inay. Wala yon may naaalala lang ako.
Oy anak ha may inililihim ka pala sa akin ha. Siguro siya ang dahilan kaya ayaw mo manligaw ng babae dito eh ang gaganda naman nila saka may mga kalahi rin natin may gusto sayo pero ayaw mo rin. Special siguro si Faye sayo nuh anak? Hindi inay hindi siya special. Basta wag niyo na siyang babanggitin ulit sa akin nay. OK Sabi mo anak eh.
Hello Jr. Kumusta ang bahay na pinapahanap ko sayo attorney? Meron na akung nahanap kunting renovation nalang gaganda na mga 1months siguro maayos na. Magkano ang bahay na iyon attorney? Mga 18milyon hanggang renovation. Sige itransfer ko agad sa account mo ang pera attorney pati narin yong bunos at sahod mo ipapadala Kuna. Sige Jr hihintayin ko nalang at bukas na bukas rin uumpisaan na ng mga tauhan ko ang renovation. Salamat attorney.
20milyon pesos transfer from Jr Chua. Ayos talaga ang laki ng bunos ko. Ang bait talaga nila sa akin buti nalang ako ang napili nilang pagkatiwalaan na attorney nila. Bawat projects ko sa kanila milyon ang binibigay nila sa akin kaya kahit easy easy lang ako sa buhay malaki parin ang ipon ko. Sambit ni attorney.
Hala bakit may mga tao rito! Kilangan kung mag tago! Kilangan kung makalabas bago pa nila ako kaladkarin palabas ng bahay namin.
Architic at engeneer kayo na bahala dito ha? Gusto ko pagandahin niyo ng husto at mag patayo narin kayo ng swimming pool dito sa harap ng bahay. Gawin niyo ang pinakadabest dito dahil darating sa susunod na bwan yong bilyonaryong nakabili dito. Attorney foreigner ba siya? Hindi Pinoy rin pero isang modelo sa ibang bansa. Sige po attorney hindi kayo mapapahiya dahil gagawin naming malaparaiso ang bahay na ito. Sige at kung nagustuhan ko ang trabaho niyo malaking bunos ang matatanggap niyo. Opo attorney ako pa. Engineer Eric pagandahin natin ng husto ang bahay na ito narinig mo naman may bunos tayo. Tuwang tuwa ang dalawa sa sinabi ni attorney sa kanila. Si Eric isang engineer! Bulong ni Faye. Sino kaya ang bilyonaryong nakabili sa bahay namin? Sana mabait katulad ni Eric. Aalis na ako balik nalang ako mamayang gabi dito pag wala na sila.
Saan ko kaya itatago itong bag ko at mga higaan ko. Ilagay ko muna sa malayo dito baka pagkamalan pang basura wala na ako hihigaan pag nangyari yon. Punta nga ako sa simbahan baka marami ng tao doon.
Palimos po? Ale Palimos po? Peso lang binigay ang kuripot naman yon. Ate Kuya palimos po. Miss gusto mo pagkain? Tanong ng nanay ni Eric Kay Faye. Talaga po bibigyan niyo ako ng pagkain? Oo iha sama ka sa akin bibilhan kita ng pagkain mo. Sige pili kana dyan. Kahit Ilan po ba bibilhin niyo? Oo iha kahit lahat ng iyan bibilhin ko para sayo kasi mag papasko na kaya regalo Kuna sayo. Sige po. Tatlong burger tatlong checken shomai shake choco yan lang ba iha? Ahmmmm fries po saka kanin po. Yan napo lahat. Ma'am 1100 po lahat. Oh hayan ha may pagkain kana mag hapon. Saan kaba nakatira? Wala napo akong tirahan ma'am. Kawawa ka naman. Saan ba mga magulang mo? Patay napo si mommy at si daddy naman nabaliw dahil hindi niya kinaya ang pagkawala ng mommy ko. Sinisi niya ang sarili niya kaya hayon nabaliw po siya. Mayaman kaba dati? Opo kaya pala mommy at daddy tawag mo. Mmmm Dilikado dito sa daan miss wag ka masyadong nag lalakad sa gabi. Opo. Sa susunod na magsisimba ako kukunin ko mga damit na hindi na kasya sa akin ibibigay ko nalang sayo. Lagi kaba namamalimos sa simbahan miss? Opo sa Umaga po tapos sa hapon dyan lang sa daan daan. Sige sa susunod titignan kita doon sa harap ng simbahan antayin mo ako doon iha. Opo ma'am maraming salamat po dito sa maagang pamasko niyo. Sige uwi kana wag ka munang mamalimos iha sapat naman na siguro yan hanggang hapunan mo. Opo ma'am bye po. Haaay ang sarap talagang kumain pag libre! Sana araw araw may dumarating na angel para araw araw busog ang mga alaga ko.
Pinalibutan si Faye ng mga batang lansangan at kaparehas niyang pulubi si faye. Hoy Babaeng pangit bakit mo kami inaagawan ng pwesto?! Hoy Karin batang madungis! Hahaha madungis daw tayo. Tama naman sinabi ko mga madudungis kayo! Bakit ikaw hindi kaba madungis? Oy Bata naligo kaya ako sa ulan tuwing umuulan nuh! Hahaha nung isang bwan pa yong umulan noon ang tagal na nun ah. Anu ba kilangan niyo sa akin mga batang kalying katulad ko hah? Gusto namin Ibigay mo sa amin lahat ng pagkain mo! Dahil namalimos ka sa terituryo namin! Hoy Bata terituryo kuna lahat ng kalye hanggang sa simbahan hindi kapa lang pinapanganak! Kaya Sabihin niyo sa akin kung inyo Yan! Aba mayabang mga pare banatan na natin yan. Hoy wag niyo kukunin mga pagkain ko regalo yan sa akin mga bata! Bleeeeeh! Amin na to! Mga Bata ibalik niyo mga yan akin yan eh!
Mga salbahi kayo kaya walang nagbibigay sa inyo dahil bad kayo! Bleeeh habol hahaha. Hmmmt bwesit na mga batang yon. Buti nalang nakakain na ako bago pa sila dumating. Mga pulubi rin kaya sila pero masyado pa silang bata para maging palaboy. Buti nalang mabait na ako kung hindi babawiin ko talaga yon. Uwi nanga ako baka wala ng tao sa bahay namin. Bukas kaya itong gate? Kaasar kasi tinanggal pa yong hagdan ko dito sa may pader. Omg bukas nga hehehe. Tuwang tuwa si Faye dahil bukas ang gate. Omg ang ganda ang bilis naman nilang mag trabaho tapos na agad napinturahan ang bahay kitang kita ang liwanag ng bahay dahil may ilaw na ito. Booooooogs Awts....! Bakit may butas na dito hindi ko napansin. Hala parang bagong gawa lang ito ah! Lagot na nahulog yong tiles. Swimming pool pala ito. Lagot ako nito pag may makakita sa akin. Kilangan kung makaalis! Bakit ang lalim naman ng swimming pool na to lampas ulo kupa. Saan kaya hagdan pataas? Hayon dahan dahan dapat baka masira ko lahat ng pagkakatiles nito.