EPISODE 20 BAKIT IKAW PA!

1163 Words
Doc kumusta na po ang inay ko tanong ni Jr. Kilangan niyo na siyang itransfer ang iyong Ina sa mas malaking hospital dahil anumang oras maaari na itong mawala pag hindi pa napalitan ang puso niya. Ha! Doc! Wala pa kaming pera. Dumating si Mang Dado. Anak kumusta na ang nanay mo anak? Itay, oh bakit ka umiiyak? Itay si nanay sabi ng doctor mamamatay naraw si nanay pag hindi pa natin nailipat at hindi pa natin ipatransplant si nanay itay. Anu ng gagawin natin? Wala tayong magagawa anak kundi tanggapin kung iiwan na tayo ng iyong ina anak. Mahirap lang tayo wala tayong milyones anak... Sige itay aalis muna po ako.. Gusto ko munang mapag isa. Anak saan ka pupunta? Sigaw ni Mang Dado sa anak. Lord kung kukunin muna ang asawa ko wag munang pahirapan pa pinapaubaya kuna siya sa iyo Lord pero kung hindi mupa siya kukunin bigyan mo naman ng himala ang kanyang buhay dugtungan mupa ang buhay niya Lord. Habang nag lalakad si Jr ay nakita niya ang isang papel ng lotto kaya naaalala niya na tumaya siya ng lotto nung isang araw pa. Titignan ko ang labas baka sakali. Tumakbo si Jr papuntang lottory. Agad niyang hinanap ang pitya kung kilan siya tumaya. Ito yon...! 28, 11, 46, 42, kinakabahan si Jr sa nakikitang numero na sunod sunod. Next 15 Mas lalo siyang kinabahan.. 9... Parang numero ko to ha! 28.11.46.42.15 9....! Hindi makagalaw si Jr sa numerong lumabas pakiramdam niya hihimatayin siya. Bumuhos nanaman ang luha niya sa isipin na maipapagamot na niya ang nanay niya. Totoy halika nga kasi may nanalo noong isang araw taga dito sa atin tinignan muna ba card mo? Hindi pa po ate kasi hindi ko hawak yong card ko. Sige titignan ko po mamaya. Kung manalo ka balato ha? Oo naman po ate. Sige po aalis na ho ako. Hindi kaba tataya? Hindi po kasi wala po akung dalang pera. Sige. Patakbong umuwi si Jr para hanapin ang ticket niya. Pawisan si Jr na nakauwi at nanginginig sa excitement na nararamdaman. Hugasan ko muna ang kamay ko baka marumihan. Saan ko kaya nilagay yong lotto ticket ko. Alam ko sa bulsa ng suot ko nung araw na iyon sana hindi nakusot. Hinalungkat ni Jr ang lagayan ng marurumi nilang damit at nakita niya ang pantalon niyang suot ang araw na iyon. Thank you LORD buti hindi nakusot. Agad na tinignan ni Jr ang nakasulat na numero. 28 meron 11 meron 46 meron 42 meron 15 meron 9 meron.! Yes! Yes! Yes! Huuuuuuuuh! Thank you lord panalo ako! Inay maipapagamot nakita kahit saang bansa pa. Thank you lord pinakingan mo ang dasal ko. Kilangan kung makabalik sa hospital ngayon din! Kilangan hindi makusot ang ticket ko kaya ilalagay ko ito sa libro. Dito sa Bible ko ilalagay para hindi makusot at hindi pag interesan. Dahil sa subrang excited niyang bumalik sa hospital ay hindi na siya nag pahinga pa at umalis siya agad sa kanilang bahay para maibalita niya ang pagkakapanalo niya sa lotto sa kanyang amang si Mang Dado. Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng may humarang sa kanya na mga katulad niyang binatilyo na puro lasing. Pare may yusi kaba dyan? Tanong ng isa. Bro wala akung yusi kasi hindi naman ako naninigarilyo. Kung wala kang yusi sige kahit pera nalang. Bro wala rin ako nun eh pansinsya na. Pare bugbugin nalang natin to hindi naman pala mapapakinabangan eh. Bro wag niyo naman ako bugbugin parang awa niyo na nasa hospital ang nanay ko kilangan kung puntahan. Booogs! Awts! Booogs! Aray tama na mga bro! Akin nanga lang yang hawak mo! Bible mga pare hahaha magpapastor yata yan kaya may dalang Bible hahaha.. Sige bugbugin niyo pa! Booogs! Booogs! Tama na! Aray ang sakit ng tyan ko! Habang binubogbog ng kalalakihan si Jr ay may tumigil na sasakyan sa harapan niya. Hoy mag sitigil kayo! Pare takbo na baka tayo pa bugbugin niyan. Totoy OK kalang ba? Opo. Maraming salamat po. Gusto mo dalhin kita sa hospital? Doon po ako pupunta manong. Sige ihatid na kita. Sige po maraming salamat po sa pagtatanggol sa akin manong. Anu pong pangalan niyo? Ako si Akiro. Ikaw anung pangalan mo Jr po. Maraming salamat po talaga kung hindi kayo tumigil baka hindi na ako makakarating sa pupuntahan ko. Anu ba gagawin mo sa hospital? Nasa hospital si nanay ko manong. Oh dito na tayo. Sige mag iingat ka. Thank you po. Ingat din po kayo. Mabilis na nag lakad si Jr patungo sa kanyang mga magulang. Buti at bumalik kana anak kasi hinahanap kana ng iyong inay. Inay kumusta po kayo? Hindi kuna kaya anak nararamdaman kuna ang nalalapit kung pagpapahinga. Wag kang magsasalita ng ganyan inay dahil ngayong Oras rin naito ay ililipat ka namin ng hospital habang ipapaayos kuna ang mga passport natin patungong America inay! America! Anung pinag sasabi mo anak tanong ni mang Dado. Oo itay ipapagamot natin si inay sa Ibang bansa sa lalong madaling panahon. Pero anak wala tayong kapera pera. Itay wag niyo na pong problemahin ang pera dahil mayaman na tayo! Wag mo nga akung pinagbibiro anak ni isang kahit isang tuka ngalang tayo tapos sasabihin mo mayaman tayo! Nababaliw kana ba anak! Hindi po ako Nababaliw itay totoo pong mayaman na tayo. Nandito po sa librong ito ang kayamanan natin inay itay. Baket nababaliw na ang anak natin hindi na niya yata nakayanan ang problema Baket. Kaya mag pagaling kana. Itay inay nag sasabi po ako ng totoo bilyonaryo na po tayo! Buksan niyo po ang Bible dyan niyo makikita ang kayamanan po natin itay. Kaya binuksan niya ang Bible pero wala siyang nakita na kahit na anu doon. Itay andyan po promise nandyan yong kayamanan natin. Bible ito anak walang bilyones dyan! Halos magalit na si Mang Dado sa pinag sasabi ng anak sa kanila. Akin na po itay hahanapin ko. Binuklat ni Jr ang Bible pero wala rin itong nakita na kayamanan. Asan dyan anak ang bilyones mo? Eh puro papel lang yan ng Bible anak. Maniwala kayo sa akin itay inay ipapagamot kita sa America. Inisa isa ni Jr ang pages ng Bible at nung nasakalagitnaan na siya ay nakita na niya ang ticket na hinahanap niya. Itay inay ito po ang bilyones natin. Kinuha ni Mang Dado ang ticket ng lotto na hawak ni Jr. Anak anung meron dito? Itay panalo po ako sa lotto ng 1.6 bilyon itay. Hindi kaba nagbibiro anak? Hindi po. Kahit tignan niyo po doon sa lotto result nagsasabi po ako ng totoo. Kaya dali dali ay pumunta si Mang Dado sa lotto building para e-check kung totoong nanalo siya sa lotto. Laking gulat niya nang makitang lumabas nga lahat ng kanyang numero. Kaya agad siyang bumalik sa hospital. Totoo nga anak Baket mayaman na tayo. Nag iyakan sa tuwa ang pamilya ni Jr. Maipapagamot na kita Baket. Ngayon din ililipat na kita sa malaking hospital. Muling nagyakapan ang tatlo at nagpasalamat sa Diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD