EPISODE 8 BAKIT IKAW PA!

1106 Words
Sa mga magpeperform ngayong umagang ito handa naba kayo para ipakita ang inyong pinakatagotagong talento? Yes teacher! Kung ganun palakpakan natin sila. Klap! Klap! Klap! Bunutan tayo kung sino ang unang magpeperform dito. Kaya anu pang iniintay ninyo halina kayo. Kung sino man ang number 1 sa inyo maiwan dito sa harap.. OK miss Arana ikaw ang number 1, anu kakantahin mo? Ang title ng aking kakantahin ay IKAW LANG ANG MAMAHALIN. Habang kumakanta si Faye ay naging seryuso ang lahat at natahimik. Nung malapit ng matapos ay biglang Klap! Klap! Klap! Huuuuuuh! ang galing mo beshy sigaw ni Elena. Kaya nagpalakpakan nalang ang lahat para mabigyan ng score ang contestant number 1. Who is the next contestant? Sir! Itinaas ng isang student ang kanyang kamay. Mr. Anu kakantahin mo? Sir DIKO KAYANG TANGGAPIN. Ok go! Habang kumakanta naman ang second contestant ay biglang napiyok. Boooooooooooh! Hahaha alis na dyan.....! Alis na dyan......! Alis na dyan........! Hindi namin gusto ang boses mo! Ang pantatlo at apat na contestant may kunting galing sa pag awit pero kulang parin ang boses na pwedeng isabak sa contest. Pare parang hindi kuna kayang kumanta pa natatakot na ako baka matulad lang ako sa second contestant kanina. Feeling ko palalayasin rin ako sa harapan. Pare wag kang kabahan! Nakalimutan mo naba lahat ng sinabi ko sayo kanina? Isipin mo ang nanay mo ang kalagayan niya at hindi ang sasabihin ng ibang tao pare. Kaya mo yan. Inum ka muna tubig pare tapos pakalmahin mo ang sarili mo. Wala akung dalang tubig pare nakalimutan ko sa bahay ang baon ko sa subrang pagmamadali kanina pare. Pare ito may tubig akung dala inumin mo nalang muna. Tapos inhale exhale... Inhale exhale.. Hayan pare ok kana ha wala ng kaba kaba ha? Oh sige pare punta na ako sa harap pare. Fift contestant are you ready? Yes teacher. Anu ang title ng iyong inihandang kanta? Teacher ang title ng aking kakantahin ay DOON LANG! Bakit iyan ang napili mong kanta? Itong kantang ito ay inihahandog ko sa mga tamad at tinatamad mag aral at yong mga taong nagsisisi dahil hindi sila nakatapos sa kanilang pag aaral. OK nice answer.. Bwesit tong payatot na to ha pabibo pa! Sambit ni Faye. Beshy tama naman lahat ng sagot ni payatot ay este Jr kasi ang kanyang kanta ay para sa mga nagsisisi dahil hindi sila nag aral ng maayos. OK fine ikaw na ang magaling at sige lang kampihan mo lang yang pangit na payatot nayan Elena at doon kanalang din sumama sa kanya! Beshy naman hindi naman sa kinakampihan ko siya, nag sasabi lang ako ng totoo nuh! Oh ngayon sinasagot sagot muna rin ako dahil sa lalaking yan. Hindi nga beshy kako eh kulit naman neto. Bulong ni Elena sa sarili. Unang lines palang ng pagbuka ng bunganga ni Jr ay marami ng napapanganga at nagpapalakpakan na kaklase ni Jr. Number one na dito ang best friend niyang si Eric. Huuuuuuuuh best friend ko yan......! Sigaw ni Eric. Ang galing galing mo talaga idol na idol na kita may best friend. Hanggang sa natapos na siyang kumanta ay nagpapalakpakan parin ang iba dahil napahanga sila sa napakagandang boses na animo'y isang sikat na singer. Thank you po. Pare ang galing galing mo naman! Nag aper ang dalawang mag best friends. Who is the last singer na magpeperform dito? Teacher pwede ba akung mag quet? Bakit naman? Kasi teacher ngayon palang ay nararamdaman kung talo na ako kasi ang galing galing ni Jr. Magaling nga siya pero dalawa ang pipiliin ko kaya may chance kapang higitan oh pantayan ang boses niya? Hindi nalang sir bigla kasi akung nahiya sa sarili ko. Oh sige kung ayaw munang kumanta ay hindi naman kita pipilitin pa. Kaya bubuto nalang kayo kung sino ang dalawang gusto niyong ibuto sa kanila. Ang gusto kung ibuto niyo ay yong may talento ha, hindi purkit maganda o gwapo na ay sila na ang ivote niyo. Yes teacher. Itaas ang kamay sa bubuto sa unang contestant. Okey contestant number one you have 9 votes next contestant number 2. You have zero votes. Contestant number 3 you have 8 votes, contestant number 4 you have 7 votes. And the last contestant you have 16 votes! Yes! Ako ang pinakamay maraming votes! Congratulations may pare may best friend sabi ko naman sayo eh. Thank you pare sa lahat ng payo mo at pagpapalakas mo ng loob sa akin. Your welcome pare. OK ang dalawang may mataas ng votes ang ilalaban natin sa ibang school kaya palakpakan naman natin ang contestant number 1 at 5 Sina Mr. Chua at miss Arana! Klap! Klap! Klap!. Omg beshy tinalo ka ng payatot na yon ha! Infearness ang ganda ng boses niya. Elena pwede ba tumahimik ka muna! Sumasakit ang ulo ko sayo! Ang daldal mo masyado! Sorry beshy zeeper kuna bunganga ko. Faye at Jr bago kayo umuwi mamaya pumunta kayo sa office ko. Yes teacher! Hala pare partner mo pala si maldita? Kaya nga pare na kakadis appoint lang kumanta dahil isang amasuna maldita lion dragon ang kapartner ko pare. Wag kanang malungkot pare labanan mo nalang siya pag inaapi ka. Pero pare pag inapi niya ako at pinatulan ko yan isusumbong nanaman ako sa mga tigreng barkada niya pare. Eh anu nalang gagawin mo? Ahhmmm wala pare. Tatahimik nalang muna ako. Scuse me! Hoy ikaw ha Alam mo masyado kang pabibo kanina! Sigaw ni Faye kay Jr. Hoy babae wag mo nga ako sinisigawan dyan! Bakit ikaw pa! Bakit ikaw pa kasi ang ka partner ko sa pag awit! Andami naman dyan iba! Sigaw ni Faye. Hoy maldita wag kang nag eenarti dyan dahil mas magaling pa akung kumanta kisa sa iyo kaya wag mo akung sinisigawan dyan! Akala mo magaling ka! Oo mas magaling ako sa lahat ng bagay kisa sayo kaya tanggapin mo nalang. Hoy payatot ang kapal ng mukha mo talaga para sabihin mo sa akin na mas magaling ka kisa sa akin! Bakit ha hindi mo nalang tanggapin na itong nilalait mong ito ay mas talentado at mas matalino kisa sa iyo, Alam mo Faye mayaman kalang at maganda sexy pero yon lang ang meron sayo kasi mas magaling naman ako sa lahat ng bagay! OK fine mas magaling kana sa lahat ng bagay! Pero ang lahat ng iyan ay hindi nababagay sayo dahil sa itsura mong yan! Ang pangit pangit mo alam mo ba yon at wala ba kayong salamin at hindi mo makita ang lahat ng iyon!? Oo alam ko pangit ako pero wala kang karapatan para husgahan ang binigay ng Diyos sa akin! Wow may Diyos binabanggit mupa ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD