Samanta habang tumatagal ay lalong lumalala ang sakit ng ina ni Jr. Dahil kumplikasyon na ang sakit nito sa puso. Minsan kasi hindi ito nakakainum ng gamot dahil naubusan ng stock at minsan rin wala pambili ng gamot dahil minsan walang huli na isda ang kanyang ama. Hindi nakapag tapos ang kanyang mga magulang kaya hanggang mangingisda nalang ang alam nitong hanap buhay. Dahil kahit pag jajanitor hindi siya natatanggap sa trabaho dahil andami dami parin requirements na hinahanap. Minsan nawawalan na ng pag asa ang kanyang ama na maipagamot pa ang kanyang asawa dahil narin sa lagi silang kapos. Minsan tumitingala si mang Dado sa langit nagtatanong siya bakit asawa pa niya ang dinapuan ng sakit sa puso. Kaya lagi nalang niya ipinagdadasal na sana may dumating na himala sa kanilang buhay o himalang gumaling na ang kanyang asawa pag gising niya isang umaga. Inay hindi kupa pala nababanggit sa inyo na isa ako sa nailing ecocontest ng aming school sa Ibang school. Anak kilan ba ang contest nayan? Next week napo inay. Pasinsya kana anak kung hindi kita masasamahan sa contest na iyan. OK lang inay ang mahalaga mag pagaling po kayo. Inay may damit po kaya si tatay na maayos ayos pa? Gagamitin ko sa contest inay. Sige anak mamaya ihahanapan kita. Ang Alam ko may mga damit siyang nakatago sa may ataol yong mga damit pa niya iyon noong binata pa siya anak. Sige inay ako nalang po hahanap nun pag dating ko mamayang hapon. Wag niyo nalang hanapin inay kasi baka mapagod po kayo. Sige anak pasok kana sa school niyo baka malate ka. Opo. Muaah! Bye nay.
Naglalakad si Jr sa Campos nila ng maraming bumabati sa kanya. Hi Kuya ang galing mong kumanta.,thank you. Thank you. Tumatakbo naman si Eric para abutan siya sa kanyang paglalakad. Ibang klase kana talaga pare sikat na sikat kana dito sa Campos natin ha. Dami pala bumabati sayo pag Naglalakad ka. Hindi pa nag uumpisa ang contest panalo kana sa puso ng mga studyante dito sa school natin pare. Subrang saya kunga pare eh. Hindi ko aakalain na ng dahil sa pa practice practice ko lang sa pag awit sa likod makikilala ako ng buong Campos natin. Saka mabait karin kasi pare. Wala kapang badrecord dito sa school kaya malinis at mabango pa pangalan mo. Sana nga pare walang sisira sa akin dito kasi pag nangyari yon baka hindi ko kakayanin masira ang reputasyon ko sa school na to. Dasal lang pare at magtiwala sa Diyos dahil isang hiling mo lang pakikinggan ka niya. Tama ka pare. Subrang thankful nga ako dahil biniyayaan ako ng magandang tinig. Hindi man kami mayaman pwede ko rin ito gamitin sa pag angat ang boses na bigay niya. True pare kaya wag tayo mawawalan ng pag asa. Oo nga pala pare may susuotin kana ba sa contest? Hahanap palang ako pare ng pinaglumaan na damit ni tatay ko. Ganun ba pare. Gusto mo pahiramin nalang kita para hindi muna problimahin pa ang susuotin mo? Talaga pare? Oo naman. Pero pare baka hindi kasya sakin ang damit mo kasi ang tangkad tangkad ko. Ede yong damit nalang ng tatay ko marami doon nakahanger hindi na niya masyadong ginagamit kasi nagsusuot lang yon ng maganda pag magsisimba kami. Sige pare dadaanan ko mamaya ha. OK pare sabay nalang tayo uuwi mayang hapon. Ilang araw nalang pare contest niyo na. Oo nga pare sa lunes na. Eh anung araw ngayon? Huwebes pare. Omg pare apat na tulog nalang pala.
OH Faye bakit tulala ka dyan may sakit kaba? Hah! Wala nuh. Eh kasi subrang layo ng iniisip mo tapos ang tamlay tamlay mo pa. Saka namamaga rin ang mga mata mo. Sambit ni Jr. Siguro break na kayo ng boyfriend mo. Hoy Jr wag kangang feeling close dahil ayukong makipag close sayo! Nagtatanong lang naman eh. Eh kung ayaw kung tinatanong mo ako. Eh sorry naman kung ayaw mo ako kausap. Hi beshy! Bati ni Elena sa kaibigan. Oh bakit ganyan ang mukha mo? Biglang niyakap ni Faye si Elena. Beshy may problema kaba? Oh break na kayo ni Jr? Beshy naman eh. Hindi ko naman boyfriend si Jr. Eh nadatnan ko kayong dalawa dito akala ko tuloy break na kayo hehe. Bwisit ka rin Elena eh. Hindi ko naman boyfriend yong pangit na yon. Kung ganun bakit magang maga ang mata mo? May problema lang kami sa bahay beshy at hindi ko yon kayang tanggapin. Oh anu yon beshy? Hindi na kasi kami mayaman beshy narinig ko si daddy at mommy nag aaway pa bagsak naraw yong company namin. Omg ang hirap ngayang pinag dadaanan mo beshy. Kawawa ka naman. Pwede bang mag invest si daddy mo sa company namin para makabangon na yong company namin beshy please till to your daddy pls. Beshy hindi pwede eh aalis narin kasi kami dito sa pilipinas next month. Saan kayo pupunta? Sabi ni mommy doon naraw kami sa Australia titira kasi nandoon yong pinakamalaking hanap buhay ni daddy. Iiwanan mo rin pala ako beshy huhuhu. Ayuko ng mawala ng best friends huhuhu please wag ka ng umalis beshy. Beshy next month pa naman ako aalis kaya mahaba haba pa ang panahon natin na mag sasama. Saka pag wala na ako sa tabi mo may mga new friends ka naman sila Leo, Ivan, Mike saka yong nagkakagusto sayo na si Lennon beshy. Kaya pag alis ko wag kang malulungkot. Saka nandyan din si Eric at Jr Diba close na kayo? Beshy hindi ko sila close nagbabaitbaitan lang naman ako hanggang end ng contest. Pero never ako makikiclose sa mga pangit na yon. Hay nako beshy hindi ka parin nagbabago. Basta beshy ayuko sa kanila nuh. Malapit na ang contest niyo beshy ha. Kaya nga beshy ilang araw nalang contest na namin. Tapos makakalaya na rin ako sa bait baitan ko Kay payatots. Goodlock beshy galingan mo sa araw na yon ha. Bakit beshy hindi mo ba ako sasamahan sa contest? Eh bakit pwede ba sumama doon? Baka naman kayo lang ang pwede beshy kasi may pasok naman sa araw na iyon. Walang announcement na walang pasok kaya siguro kayong tatlo lang ang pupunta beshy. Siguro. Eh kong mag absent ka nalang kaya beshy? Hindi pwede beshy magagalit ang mommy ko kung pumasok ako tapos wala ako dito sa school. Eexcuse nalang kita please....? Sige titignan ko kung masasamahan kita beshy.