" FORBIDDEN FOREVER " " THE CHILD'S REAL FATHER " YUAN'S POV "Hindi ka pa ba kakain?" Bungad sa akin ni Dave pagka pasok niya sa opisina kung nasaan ako kasabay nito ay ang pag lapag niya ng pagkain sa kanyang lamesa at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. It's already 12:30 pm. At naka upo parin ako at nakaharap sa aking laptop kahit wala naman akong importanteng ginawa doon. " Maybe later. " Tipid kong sagot at tumango lang naman siya at tiningnan ulit ang kanyang cellphone. Maya-maya ay napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatutok sa kanyang cellphone. " Hysst naku.. talagang nakaka pikon na talaga ang babaeng ito." Mahinang sambit niya kaya hindi ko maiwasang lingunin siya at mapangisi. Sa tagal ng panahon na naging broken hearted ito ay ngayon lang u

