" FORBIDDEN FOREVER "
RALEAM'S POV
" TEN YEARS BEFORE "
( MGA PANGYAYARI NOON, NA SAMPONG TAON NG NAKALIPAS )
Isang taon na rin ang nakalipas simula ng umalis ako sa'min. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naging Balita tungkol sa kanila. Namimiss ko na si Hazey, pero wala akong magawa dahil kailangan kong gawin ito para hindi nila ako mahanap at para hindi madamay si Tita maribeth.
Aga natin ah. " Biglang sulpot ni mira, Kasama ko sa trabaho.
Maaga akong nagising kasi online class lang kami kagabi. " Sagot ko.
Tumango-tango lang siya habang nag lakad papalapit sa akin at agad na upo sa tabi ko.
Ang ganda-ganda mo, Wala ka talagang boyfriend? " Biglang saad niya.
Natigilan ako sa sinabi niya dahil naalala ko ulit si Rafael. Ang ex-boyfriend ko.
Siya ang aking first boyfriend sampong buwan kaming magka relasyon. Tatlong buwan makalipas simula ng tumira ako kay tita ay nag hiwalay kami. Nahuli ko siyang may ibang babae sa mismong boarding house niya dito sa Gensan.
Pinuntahan ko siya para bisitahin at surpresahin sana, pero ako ang na surprise. Nasaktan ako, pero natanggap ko rin naman kalaunan. Hindi ko din naman siya sobrang minahal. Pakiramdam ko nga ay puppy love lang iyon kaya ganon lang kadalint kalimutan.
Wala pa akong panahon sa ganyan eh, busy pa ako sa pag-aaral at nag ta-trabaho din ako. " Honest kong sagot.
Hmmp baka binobola mo lang ako, baka nag kukunwari ka lang na walang boyfri--
Wala talaga, bumalik kana sa pwesto mo baka makita tayo ni Mrs chua sermon na naman. " Saad ko sabay tulak sa kaniya.
Nginusuan niya lang ako at agad na umupo sa pwesto niya.
Nag ta-trabaho ako bilang Isang food suppliers sa mga malls at diser din minsan. Kaagad akong nag hanap ng trabaho at mabuti rin ay natanggap ako dito kahit na 17 palang ako. Pasalamat din ako sa height ko dahil hindi nito nahahalata ang edad ko.
Kuya ruel.. may delivery po tayo mamaya. " Anunsyo ko sa aming driver.
Sige iha.. ready niyo nalang lahat at siguraduhing wala tayong makakalimutan. " Nakangiti nitong saad at patuloy sa pagbaba ng mga orders para mailagay sa budega.
Bebe ko.. " biglang sigaw ng kong sino.
Agad kong napapikit sa inis dahil alam kong sino iyon, isa sa mga trabahador na walang ibang ginawa kundi ang kulitin ako ng kulitin.
Tumigil ka George! Sipain kita dyan eh. " Angal ko at lumayo sa kanya.
Ngumuso lang siya. " Ang sama mo naman beb, Hindi mo'ko na miss? " Pag papakyut niya.
Ul*l miss mo mukha mo. Mag trabaho ka nalang maraming gagawin Ngayon. " Pagtataboy ko sa kaniya.
Naaasar kasi ako sa kakulitan niya, masyadong clingy ako pa naman yong tipong ayaw sa clingy. Dahil mas gusto ko iyong tahimik na paligid at hindi kausapin ng kong sino.
Lumipas ang ilang oras ay agad na kaming nag sipag ayusan dahil lunch break na. Mira and I decided to eat outside of the factory sa karenderya kong saan kami madalas kumain.
Huwag ka nga sama ng sama! Mawawalan kaming ganang kumain kapag nakikita namin yang Mukha mo. " Si Mira ng makita niyang sinusundan kami ni George.
Hindi naman Ikaw ang sasamahan ko, kundi si Raleam. " Anito at malaki ang nagising iginawad sa akin.
Akala mo naman ay gusto ka din niyang kasamang kumain. " Malditang angal ni mira sabay irap kay George.
Na miss ko lang si bebe raleam ko, Isang linggo din akong wala at ngayon lang babawi. " Anito sabay dikit sa'kin.
Kaya naman at malakas kong hinawakan ang braso niya at ipinilipit ito patungo sa kaniyang likod dahilan para mapa sigaw siya..
A-aray. Sorry na nga.. " aniya sabay tapik sa kamay ko.
Agad kong binitawan ang braso niya at pinanood siyang napapikit dahil sa sakit.
Hinahayaan kitang kulitin ako, pero ang dikitan ako at hawakan ay hindi pwede. " Malamig at nakangisi kong Sabi.
Nakatingin lang siya sa'kin na parang naiiyak kaya nauna na akong nag lakad para habulin si mira na ngayon ay malayo na sa akin.
Hindi mo man lang ako hinintay. " Angal ko.
Busy ka doon Kay George eh. Teka nasaan na ba yon? " Aniya sabay tingin sa likuran ko.
Nagtataka siya dahil hindi na niya mahagilap si George sa likuran ko, ngumiti lang ako at naunang pumwesto sa lamesa.
Binugbog mo ba? " Interesadong tanong niya ng maupo siya sa harap ko.
Hindi ah, sinampolan ko lang. Sobrang clingy kasi. " I said.
Brutal mo talaga, gupit nalang kulang sayo eh lalaking-lalaki kana. " Aniya
Hysst ang daming tao Ngayon ah, dito ka lang Ako na kukuha ng pagkain natin.
Hindi ko nalang siya sinagot at kinuha ko nalang ang cellphone ko para buksan ang f*******: account ko dahil buryong-buryo na ako habang hinihintay ang pagkain namin.
Nang mabuksan ko iyon ay may nakita akong sampong messages kaya pinindut ko iyon para tingnan.
From: Hazey Quirino
Woii San kana? Buhay ka pa ba? Balita Naman Dyan oh.
From: Jane Valdez
I heard from hazey na lumayas ka sa inyo? San ka Ngayon? Are you okay?
Iyon lang ang binasa ko. Nakita kong pang may mga message galing sa mga kapatid ko at sa ibang kamag-anak namin, pero hindi ko iyon binuksan.
Scroll lang ako ng scroll hanggang sa biglang may Isang message na nag pop-up.
Yuan Anthony...
Basa ko sa pangalan. Ini-stalk ko muna ang kaniyang profile dahil baka isa iyon sa mga kakilala ko pero hindi. Wala siyang gaanong pictures. Bola na pang basketball lang Ang nandoon ay iba't-ibang pictures ng building.
Low-key person ah. " Hindi ko napigilang sabihin.
Kaya binuksan ko ang message niya at nakita kong may message din siya na last year pa ay hanggang February.
From: Yuan Anthony
Hi, Happy Valentines day. :-)
( send February 14 2019 )
From: Yuan Anthony
Hello, Good afternoon. Online ka ata? :^)
Bahagya akong natawa kaya agad naman akong nag reply.
Ako:
Ngayon lang sinipag eh.
Him:
Ganon ba? I'm glad you finally answered my messages.
Bilis maka reply ah. " Sa isip ko.
Ako:
Lunch break eh, hinihintay nalang ang foods namin. Kaya hindi busy.
Him:
Good to hear that, don't skip your meals. Enjoy eating.
Ako:
You too.
Him:
Okay lang ba talagang makipag palitan ng message sayo? I mean, wala bang magagalit?
Bahagya naman akong nagtaka sa naging tanong niya, iniisip niya ba na baka may boyfriend na ako or ano?
Ako:
Naku wala, Hindi din naman ako makikipag-usap sa ibang tao lalo na sa Isang lalaki kung nagkataon na taken na ako.
Him:
Kakaiba ka talaga.
Napangiti ako sa reply niya, kakaiba ba talaga ko? Hahaha ang labo naman noong mangyari.
Ako :
Sige nandito na pagkain namin, kain na muna ako. Kain kana rin.
Ilang segundo nakalipas ay nag reply ulit ito.
Him:
Eatwell too and take care.
Pagkatapos kong basahin ang message niya ay hindi na ako nag reply. Papalapit na din kasi si Mira sa lamesa namin ngayon habang Dala iyong mga pagkain namin.
Medyo abala ka ata kanina ah? " Makahulugang saad niya sabay lapag ng tray sa lamesa.
Paanong abala? " I ask.
Habang nag hihintay ng sagot niya ay isa't-isa kong inilapag sa lamesa iyong nga playing may laman na kanin at mga ulam para maibalik din kaagad iyong tray na ginamit ni mira.
Parang may kausap ka sa cellphone mo. Ngumingiti ka pa nga eh. Wag mo ng i-deny. " She said at inunahan pa talaga ako.
Sabi mo eh. " Pag sang-ayon ko para hindi na humaba ang usapan.
So totoo nga? Magkaka boyfriend kana ba Nyan? " Dugtong niya ulit.
Hysst ang kulit talaga eh. " Sa isip ko.
Kaka- umpisa palang naming mag-usap, boyfriend agad. Hindi ba pwedeng pang palipas oras lang? " Patanong kong sagot sa kaniya.
Bahala ka nga sa Buhay mo leam. " Aniya at agad na nag simulang kumain.
In-ofd ko ulit ang cellphone ko makalipas ang ilang oras. At muli kaming nag lakad palabas ng karenderya para bumalik na sa tina-trabahuan naming factory.
Aaminin kong natutuwa akong kausap ang lalaking iyon kani-kanina lang. Sobrang ikli lang ng pinag-usapan namin ngunit sobrang komportable ko na sa kaniya.
Back to work. " Saad ni mira sabay stretch ng braso niya.
Muntik ko ng makalimutan na nag ta-trabaho pala kami. Sana makausap ko siya ulit.
TO BE CONTINUE....