" FORBIDDEN FOREVER "
MARIBETH'S POV
Finally raleam found the love of her life. " Si tonny sabay akbay sa akin.
Naiwan kaming dalawa sa bahay at nakatanaw pa rin sa kalsada kong saan ay papalayo na sina raleam at yuan..
Masaya ako dahil nararamdaman at nakikita kong masaya ang pamangkin ko kay yuan. I can also feel yuan's sincerity towards raleam.
Parang tayo lang noong teenager pa tayo. " Sabi ko sa asawa ko.
Mas lalo niya lang akong hinila papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap.
Pero parang lalamangan tayo ng dalawang iyon Marie. " Sagot nito sa'kin.
Hayaan na natin ang mga Bata, they're old enough to decide on their own. Ang akin lang ay alagaan nila ang isa't-isa. " I said.
Kaya ngayon ay matulog na tayong dalawa. " Biglang sabi niya sabay stretch ng kamay niya..
Natawa naman ako doon at agad na sumang-ayon sa kanya.
Please take a good care of my niece yuan...
RALEAM'S POV
Baby.. we're here. " Rinig kong boses ni yuan habang sinusubukan akong gisingin.
Mabilis kong minulat ang mga mata ko at kasabay nito ang malakas na pag singhap ko ng makita mapansin ko ang malapit na distansya naminng dalawa..
How's your sleep? " Malambing niyang tanong sa'kin.
Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at itinuon iyon sa bahay na nasa harap namin.
Sakto lang ang laki nang bahay at napansin ko rin ang katabing bahay nito na dirty white ang pintura pati ang bubong ay kulay itim.
Pero colorful iyong tingnan para sa akin, lalo pa at mahilig ako sa kulay itim.
Kaagad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at naunang bumaba, Hindi ko na hinintay si yuan.
You like it? " Tanong niya.
Hindi ko alam kong alin doon ang tinutukoy niya.
Ang magandang kalangitan ba o ang dalawang bahay na nasa harapan namin.
Kong tinutukoy mo ay ang bahay ang sagot ko ay oo. Gusto ko iyong kulay. " Sagot ko.
Hmp.. alin sa dalawang iyan ang gusto mo? " Tanong niya ulit.
Iyon dirty white ang pintura. Mahilig kasi ako sa dark colors. " Diretsyong sagot ko at nakangiti pa.
Bahay natin iyan. " Biglang sabi niya kaya gulat ko siyang nilingon.
Anong bahay natin? " Naguguluhang tanong ko.
Actually... " Bitin niyang sabi sabay pulupot ng Isang braso niya sa bewang ko kaya napalunok ako...
That's house is mine. And now that you're my girlfriend, that house is also yours. What's mine is yours too. " Anito.
Nagulat ako ng yumuko ito at biglang pinatakan ng madiin na halik ang pisnge ko, kaya malakas kong hinampas ang balikat niya at natawa lang din siya.
Ang hilig mong humalik ano? " Tanong ko.
Matamis niya lang akong nginitian ang ipinulupot ang magkabilang braso sa baywang ko at hinapit ang katawan ko palapit sa kanya.
Hindi lang halik ang hilig ko leam. " Pilyong sagot niya.
He lean closer to me and without any words he claimed my lips and gently kisses me. Hindi ako umangal at hinayaan lang siyang halikan ako.
I even encircle my arms around his neck at mas pinalalim ang halikan naming dalawa.
Should we continue it inside the car? " Pilyong aniya kaya natawa lamang ako.
Siya mismo ang tumapos sa halikan namin, pero bago niya ako binitawan ay pinatakan niya muna ng tatlong mumunting halik ang labi ko at pinag siklop ang kamay naming dalawa habang nag lalakad papasok sa Isang bahay na katabi nong sa kanya.
La!! " Malakas niyang pag tawag sa kanyang Lola.
Maya-maya ay may Isang matandang babae na nag lalakad papalapit sa amin.
Hindi ko mahulaan Kong ilang taon na ang Lola ni yuan, dahil ang buhok nito ay sobrang itim pa. Hindi sobrang kulubot ng kanyang balat. Maganda din ang pangangatawan, parang tita niya nga lang ito eh.
Magandang gabi po. " Magiliw kong bati.
Nagulat ako ng bigla itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Sa wakas nakita na din kita raleam. " Aniya sabay bitaw sa pagkakayakap sa'kin.
Nakaka-hiya naman po. " Kagat labing saad ko.
Sandali niya akong tinitigan at bigla niyang inangat ang kamay niya para abutin ang mukha ko.
Kinuha niya ang iilang hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa likod ng aking tainga. Sobrang tamis ng bawat ngiti na ibinibigay niya sa akin.
Lola mag seselos na ako nyan, Wala ba akong kiss Dyan. " Nakangusong si yuan.
Mag tigil ka yuan. " Saway nito sa kanyang apo dahil para matawa ako.
Hali ka apo. Alam kong gutom ka, may inihanda akong pagkain doon sa lamesa. " Aniya sabay hila sa akin papalayo kay yuan.
Nilingon ko si yuan, pero nakangiti lamang ito habang pinag mamasdan kaming dalawa ng Lola niya.
Wala ka bang allergies sa pagkain apo? " Tanong niya sa'kin pagka upo ko sa upuang naka handa.
Wala naman po. " Mahinang sagot ko hanang pinapanood siyang nag ayos ng kung ano-ano sa harap ko.
Kinuhanan niya pa ako ng pinggan at siya na mismo ang nag lagay ng kanin sa plato ko.
Lola ako na po, maupo nalang kayo. " Sinubukan kong agawin ang platong may laman na pagkain sa kanya, pero hindi niya ako hinayaang maagaw iyon.
Hayaan mo na ako, nasasabik lang kasi akomg magkaroon ng apong babae. Kaya tuwang-tuwa ako na dinala kana ni yuan para ipakilala sa akin. " Aniya kaya Wala akong magawa kundi hayaan nalang siya.
Wala po ba kayong apo na babae? Tanong ko ng maupo na ito sa tapat ko.
Naku wala, lalaki lahat ng apo ko. Kaya nga nakakatuwa na nag girlfriend iyang si yuan, nang sa Ganon ay may babae na sa pamilya namin. " Magiliw nitong Sabi.
Hindi po kayo kakain? " Tanong ko ng mapansin kong nakatitig lang ito sa akin at pinag mamasdan ang bawat galaw ko.
Tapos na akong kumain apo. Hinintay ko lang talaga na dumating kayong dalawa ni yuan dahil gustong-gusto na kitang Makita. " Sagot nito sa akin.
Hinayaan ko nalang siyang pagmasdan ako kahit na nakaka ilang ang ganon.
Hindi man lang ako hinintay. " Biglang sumulpot si yuan.
May bitbit itong paper bag at dumiretsyo sa tabi ng Lola niya.
Pasalubong ko. " Saad niya sabay halik sa noo ng kanyang Lola.
Nakakatuwang panoorin ang ganong eksena, nakikita kong mahal na mahal niya ang Lola niya.
Agad naman umupo si yuan sa tabi ko at agad na kumuha ng kutsara at sa mismong pinggan ko rin kumuha ng pagkain.
Kumuha ka ng iyo. " Angal ko pero hindi siya nakinig.
Yuan! Andaming plato dyan o bakit yong akin pa kinukuha mo? " Sabi ko sabay mahinang tinampal ang kamay niya, pero hindi siya natinag..
Eh gusto ko bakit ka ba umaangal? " Usal niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Aba'y ang tigas ng ulo.
So kailan ang kasal ninyo? " Biglang sabat ni Lola Narcy..
Natahimik kaming dalawa ni yuan at sabay na napatingin sa matanda.
Nakahawak siya kanyang magka bilang pisnge habang abot hanggang tainga ang ngiti nito, halatang kanina niya pa kami pinag mamasdan.
Next year Lola. " Sagot ni yuan.
Pala desisyon ka naman, nag aaral pa ako. " I said.
Pwede ka parin namang mag-aral habang dala-dala na iyong apelyido ko. " Natatawang aniya.
Tinampal ko ang braso niya. " Tumigil ka yuan, kakasagot ko lang sayo kasal agad. " Saad ko.
Doon din naman papunta ito leam, tingin mo ba makakawala ka pa sa'kin? " Confident niya Sabi.
Yabang-yabang talaga.
Di'ba Hindi dapat pinipilit ang babae sa pag papakasal Lola Narcy? " Nakangising tanong ko kay Lola.
Oo Naman, dapat respetuhin ang opinion ng babae yuan. " Tumangong sagot niya sa akin.
Nilingon ko si yuan at gusto ko siyang asarin ng makita ang pag nguso nito.
Nakita niyo lang si raleam, Hindi niyo na Ako kinakampihan. " Kunwaring nag tatampong sabi niya.
Dapat lang, dahil baka hindi na siya bumalik dito kapag kinampihan kita. " Sagot ng Lola niya at mas lalo lang humaba ang nguso niya.
Matanong ko Lola, ilang taon na po ba kayo? " Pag-iiba ko ng usapan.
65 na ako iha. " Aniya.
Hindi ako makapaniwala dahil hindi iyon halata sa itsura niya.
Parang nasa 50's lang po kayo ah. " Manghang komento ko.
Naku.. naku.. binobola pa ako. " Sabi niya.
Totoo po. " Nakangiting saad ko.
Bilisan niyo ng kumain dyan, para makapag pahinga na kayong dalawa. " Aniya kaya tumango naman ako.
Ilang minuto ang nakalipas ay tapos na kaming kumain. At tinulungan namin iligpit ang pinag kainan namin.
Yuan Ikaw na mag hugas ng pinggan, ihahatid ko na si raleam sa kanyang kwarto. " Saad ni Lona Narcy.
Mag po-protesta pa sana ako pero mabilis na akong hinila ng matanda papalayo sa kusina.
Ako na ho sana nag hugas ng pinggan Lola. " Sabi ko sa kalagitnaan ng pag lalakad namin.
Nako hayaan mo na si yuan, marunong naman iyan sa gawaing bahay. " Aniya at huminto kami sa harap ng Isang pintuan.
Kaagad niya iyong binuksan at pumasok kami kaagad sa loob.
Ito ang kwarto ni yuan, dito kana Matulog. Okay lang sa akin na magtabi kayong dalawa. " Panunukso nito.
Lola Naman. " Nakangusong usal ko.
Okay lang.. sige na ayon ang banyo. Matulog ka ng mahimbing dahil ipapasyal kita bukas. " Aniya sabay labas ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pintuan.
Naiwan akong mag-isa habang sinusuri ang kabuuan ng kwarto... Masyado iyong malaki para sa iisang tao lang.
Ang ginawa ko ay agad kong nilapitan ang nag ko para kumuha ng damit pantulog para makapag half bath na ako.
Nang makakuha ako ay agad na akong pumasok sa banyo at hindi napigilang mamangha ng makita ko ang loob nito.
Kulay itim ang
tiles nito maging ang shower curtain ay kulay itim din.
Hindi halatang mahilig sa kulay itim itong si yuan.
Kaagad kong sinimulang mag half bath at para maaga na ding makapag pahinga..
TO BE CONTINUE