CHAPTER NINE

1596 Words
" FORBIDDEN FOREVER " " FIRST MEET " RALEAM'S POV Tita mag papaalam ho sana ako. " Saad ko Kay tita Maribeth ng makita ko ito sa kusina. Abala siya sa pag luluto ng kong ano. Pinatay niya muna ang stove bago ako harapin. Naka ayos ka ah? Aalis ka ba? " Diretsyong tanong niya. Nakapamot ako sa ulo ko, dahil sa tanong niya. " Opo sana, may kikitain lang tita. " Nahihiyang saad ko. Boyfriend? " Tanong niya at napangiwi naman ako. M,U ho. " Pagka klaro ko. Natawa siya sa sinabi ko at bahagyang hinaplos ang aking pisnge. Siguraduhin mo lang na mabuting tao iyan leam, ayaw kong mapahamak ka. " Paalala niya. Tumango ako. " Mabuting tao po siya tita, Hindi ho ako papayag makipag kita sa kanya kong hindi. " Sagot ko. I know, muntik ko ng nakalimutan na hindi ka Pala easy to get, at mapili ka pagdating sa pakikisalamuhan mong tao. " Anito at tiningnan muna ang kabuuan ko bago ako binitawan. Salamat po. " I said. Sige mag iingat ka ha? Tawagan mo ako kapag hindi mo nagustuhan ang takbo ng date niyo at ipapasundo kita sa Tito Tonny mo. " Aniya at sumang-ayon ako. Hinalikan ko muna ang kaniyang pisnge bago ako tuluyang umalis palabas ng bahay. Agad akong pumara ng Isang taxi at agad na ding akong sumakay. Kuya Veranza mall po. " Saad ko habang nakangiti kay kuyang driver. Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko iyong nakita. Nakita ko ang pangalan ni yuan kaya nakangiti ko iyong sinagot. San ka na? " Tanong niya gamit ang isang baritonong boses. I giggled when I hear his voice, kasi ang sexy nitong pakinggan.. Papunta na ako, Ikaw ba? " Tanong ko pabalik sa kanya. I'm already here, hihintayin nalang kita sa entrance. " Sagot niya sa kabilang linya.. Sige, malapit naman na ako. " Saad ko. Ingat ka. "Huling sinabi niya bago ko ibinaba ang linya. Nakangiti lang ako sa buong byahe, sobrang excited na kinakabahan na di ko maintindihan.. Date po ba ma'am? " Biglang sabat ni kiyang driver. Ay opo.. medyo kabado lang kasi first time po naming magkita. " Honest kong sagot. Nako ma'am normal na ho talaga ang ganyan. " Sagot ni kuyang driver. Tumango lang ako at ilang minuto nakalipas ay huminto na siya sa tapat ng Veranza mall. Agad kong inabot ang aking bayad at nag pasalamat. Enjoy po sa date ma'am. " Pahabol ni kuya kaya natawa ako at agad na lumabas sa taxi. Hingang malalim.... " Saad ko sa sarili habang nag lalakad papunta sa entrance ng mall. Lumingon-lingon pa ako sa paligid, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako sanay sa ganito kaya siguro kinakabahan ako. Nang makalapit na ako sa entrance ay bahagya akong napahinto ng makita ko siya sa tabi ng guard at nakikipag kwentuhan.. Nakasuot siya ng Isang black pants at Isang puting polo na naka insert sa kaniyang pantalong suot, habang ang polo niya naman ay naka tupi hanggang siko. Naka suot din siya ng relong kulay itim at ganon din ang sapatos niya. He's gorgeous, kahit nasa malayo siya ay malalaman mong gwapo siya. Maganda ang pagkaka ayos ng kaniyang maitim na buhok. Natauhan lang ako ng lingunin niya ako at nag Tama ang paningin namin. Kaagad siyang humakbang papalapit sa akin dahilan para bahagya kong matutop ang paghinga ko. Why are you staring at me? " Parang tuwang-tuwa pa siyang makita akong nakatingin sa kaniya. Ang pogi mo kasi. " Saad ko. Sinusubukan kong umakto ng normal kaharap Siya, dahil ayaw kong mag mukhang tanga. You look good too. " Aniya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong nahiya sa ayos ko, masyadong simple. Nag mumukha tuloy akong katulong. Wag mo'kong bolahin. " Saad ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. I feel awkward. No, I'm not. " Aniya sabay hawak ng kamay ko at ipinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. Nagulat naman ako doon, pero agad din namang naka bawi. Is it okay if we hold hands? Like this? " Tanong niya habang magka-hawak kamay kaming nag lalakad papasok ng mall. O-okay lang naman. " Hindi makatinging sagot ko sa kaniya. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita ko kung paano siya tingnan ng mga tao. Makikita mo ang pagka mangha ng mga ito sa kaniya. Who wouldn't? He's too attractive. Ang lamig ng kamay mo. " Biglang saad niya kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi kasi ako sanay eh. " Pag amin ko. He smiled at me and tighten his grip on my hands at ipinasok ito sa bulsa niya. There.. sigurado akong hindi na lalamig ang kamay mo. " Aniya at muling itinuon ang tingin niya sa harapan. Paborito mo ang shawarma di'ba? " Agad niyang tanong ng may makita kaming food stall ng shawarma sa hallway. Paano mo nalaman? " Curious kong tanong dahil hindi ko pa naman nasabi sa kanya ang tungkol sa mga bagay na iyon.. Naisip ko lang. " Aniya. I'm not convinced with his answer, pero hindi ko na siya tinanong pa. Mas lalo lang magiging awkward.. Gusto mong kumain? Bibili tayo? " Aniya. Agad akong tumango na parang bata kaya mas lalo lang siyang natawa at agad akong hinila papunta sa harap ng stall kong saan may shawarma.. Dalawang shawarma please, spicy flavor with cheese. " Nakangiti niyang saad sa nag babantay. How did he know about it? Mahilig Ako sa maanghang at may cheese na shawarma, lahat ng detalye ay alam niya kaya hindi ko maiwasang mag Duda. Araw-araw mo ba akong ini-istalk? " Naka taas kilay kong tanong habang nakatingin sa kanya. I'm sorry about that. " Aniya sabay hawak sa batok niya na parang batang nahuli na may ginagawang hindi maganda. So stalker nga talaga kita? " Tanong ko ulit. Tumango lang siya na parang masunuring Bata sabay abot sa'kin ng shawarma. Binitawan din niya ang kamay Kong hawak-hawak niya. Since the day I saw you in lagao public market. " Aniya kaya natigilan ako. So hindi nga talaga ko nagkamali, Siya talaga iyong nakita ko noong araw na iyon. Bakit hindi mo sinabi? " Kalmadong tanong ko habang hinihipan iyong pagkain ko. Mainit pa kasi. Kasi iniisip ko na hindi na mahalaga iyon, Ang importante ay ang ngayon. " Sagod niya sa'kin. Kung sabagay. Alam mo mas pogi ka pala talaga sa malapitan. " Compliment ko sa kaniya. Awkward siyang ngumiti sa'kin, mukhang hindi sanay sa mga compliments. Stop saying that, it's a bit awkward. " Saway niya. Tumawa ako at sinimulan ng kumain. Ang dungis-dungis mo naman kumain. " Aniya sabay pahid ng gilid ng labi ko at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita kong dinilaan niya iyong daliri na ginamit niyang pampunas sa gilid ng labi ko. Alam mo kadiri ka! " Reklamo ko sa kaniya. Puno ng pagtataka niya akong tiningnan.. Anong nakakadiri? Wala naman akong ginawa ah? " Naguguluhang aniya. Yan! Pinunas mo yan sa gilid lang labi ko eh, tapos dinilaan mo. Kadiri ka. " Mahina at awkward kong sagot. Tumawa naman siya. Natitigilan talaga ako sa t'wing tumatawa siya, Ang sexy kasing pakinggan. Kahit iyong simpleng galawa niya lang ay sexy paring pakinggan. Nagiging bastos na tuloy ako dahil sa ginagawa niya. It's not kadiri leam. It's normal, besides we don't have tissues here. Sayang rin naman iyong sauce. " Nakangising aniya.. Pakiramdam ko ay nag akyatan lahat sa mukha ko ang dugo ko sa katawan dahil nararamdaman Kong sobrang init ng pisnge ko. I'm sure it's turning red. You're blushing. " Pang aasar niya. Tumigil ka nga dyan, bigwasan kita eh. " Saad ko. He didn't answer, nakatingin lang siya sa akin. He's eyes are full of amusement. Ganun ba siya katuwa sa pinapakita kong ugali? I didn't know, you have this brutal side. " Na a-amuse niyang komento. Meron talaga, alam kong mahihirapan kang pakisamahan ang ugali kong to. " Saad ko sabay yuko. Ayaw kong magtama ang paningin namin, dahil baka makita ko lang ang nakaka awa niyang tingin sa'kin.. Ayaw kong kaawaan niya ako. Mas lalo nga kitang nagustuhan eh. " Biglang usal niya. Agad akong nag angat ng tingin sa kaniya. Hindi siya nakangiti pero nakikita at nararamdaman kong masaya siya lalo na iyong mga mata niya dahil parang nakangiti din ito habang tinitingnan ako. Aside from wanting to see you personally, the real purpose of this meeting is to know you better and tell you that I'm in love with you.. " sinsero niyang saad. Nanlaki ang mga mata ko at maging ang bibig ko ay naiwang naka-awang. Pinipilit na mag process sa utOk ko iyong sinabi niya. Alam kong may MU kami, pero hindi ko naisip na posibleng magustuhan niya talaga ako at ma in love sa'kin. Lalo na at ngayong Nakita na niya ako sa personal. Gusto kong hindi maniwala, pero mag parte sa puso Kong tinatanggap iyong sinasabi niya. I can feel his sincerity, even his eyes speaks a thousand words that his mouth can't.. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa hita niya at muling nag angat ng tingin sa akin. If you let me.. I want to court you. " Dugtong niya kaya mas lalo akong na estatwa. You still like me? Kahit ganito Ako? " Tanong ko. Gusto kong malaman ang magiging sagot niya. Seeing you right, makes me love you even more raleam. So let me court you please. " He said with so much begging in his voice. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD