Muli akong ginulat ni Darryl sa kanyang pagbabalik. Gabi na, ah? Bakit ba siya bumalik? At inaaya niya akong lumabas. Hindi naman ako papayagan nila mama at papa. Pero sa totoo lang…gusto kong sumama. “Uhm, Darryl kasi…gabi na oh. Hindi na ako papayagang lumabas nila mama” mahinahon kong sabi kay Darryl. Hindi nagsalita si Darryl, lumapit siya kina mama at papa. Pati na din kay ate Therese. “JV, sino itong bago mong cute friend?” sabi ni ate Therese, habang nakangiti. “Si Darryl, schoolmate ko. Tutor niya ako. Darryl, yan si Ate Therese” sabi ko naman. Nag hi si Darryl kay ate. “Hi Darryl!” sabi ni ate Therese. Todo ang ngiti niya. Parang walang boyfriend. “Tita, tito…pwede ko po bang isama si JV? Ngayong gabi lang po. Kahit sa bahay na po siya matulog, ayos lang po” sabi ni Darryl sa

