Chapter 1 O'Clock - Candidate for Valedictorian?

497 Words
= Johan Victor's POV = Physics: 94 over 100. Math: 90 over 100. English: 98 over 100. Social Studies: 92 over 100. Matataas lagi ang scores na nakukuha ko. But guess what? Never akong nakakuha ng perfect score. Sabi nila, almost perfect na daw ako. Pero kita mo nga, asaan ang 100 out of 100 sa exams ko? Hindi ako perfect, at never akong magiging perfect. Pero...gusto ko. My name is Johan Victor Mendez. 15 years old. Malinis akong tao. Ayaw ko sa madumi. Ayaw ko sa mababahong lugar. Marami akong ayaw. Minsan nga, mga classmates at friends ko, naartehan na sa akin eh. Madalas din akong mag isa, nagbabasa ng libro at nag-aaral. Pilit kong ginagawang perpekto ang pag aaral ko. Malay niyo, one of these days, maging perfect ang scores ko. Hay, how I wish talaga na mangyari na yun. 3rd year high school. Wow. Isang taon nalang, 4th year na. Next year, college na. Nakakatuwa. Excited na ako. Sabi pa sa akin ng classmates ko, tyak daw hindi daw ako mahihirapan sa college kasi ngayong high school palang daw, parang college na ako umasta dahil sobrang seryoso akong mag-aral. Candidate kasi ako for Valedictorian. Pero may mga bagay talaga na hindi inaasahan..at may mga tao kang makikilala... Habang papunta ako sa classroom pagkatapos kong kunin ang mga test papers ko sa Faculty, may nakasalubong akong isang lalaki. Ang tangkad nya, mga 5'9 siya (5'7 lang kasi ako. Nakakahiya). Tapos bigla nya ako kinausap. "Hey, ikaw ba yung best candidate for Valedictorian? Si JV Mendez?" Huh? Best candidate? "Uhm...ako nga si JV Mendez pero hindi ako ang best candidate for Valedictorian. Perhaps you were referring to someone else..." Natawa yung lalaki. "Eh diba sinabi ko yung name mo? Eh di ikaw nga 'yon" Medyo pilosopo ka dong ha. Nginitian ko nalang. "Okay. Yes, what's your concern?" "Uhm...kasi, you're from the cream section, right? So, adviser mo si Mrs. Rodriguez. Kasi, bagsak ako sa 1st grading exam nya sa English, so baka pwede mo akong..." "Ano gagawin ko?" sambit ko naman. "Pwede mo akong...tulungan?" Tama ba ang narinig ko? Kaka-meet palang, parang ang laki na ng pabor na hinihingi sa akin? "Huh? B-bakit...Bakit ako?" "Eh kasi...matalino ka, syempre dapat dumikit ako sa matalino. At for sure, matutulungan mo ako. Favorite student ka ata nun...teka, ano ba ginagawa mo sa kanya? Sinisip-sipan mo ba? Hahaha" sabi nya sa akin. Medyo...nainsulto ang ego ko dun ha. "Look, Mr. Whoeveryouare, go find someone else. I'm not sip-sip cause I'm not a straw, okay? So, before I punch you, umalis ka sa harapan ko, okay?" Nag-walk out ako. Tawa sya ng tawa sa akin. "Hoy! Ganyan ba mga valedictorian? Masusungit? At hindi ako si Mr. Whateveryayayoursuchaloser! Darryl ang pangalan ko...DARRYL!" Sinigaw pa nya ang name nya ha. Sige, nice meeting you Darryl. Sana, di na mag cross ang landas naten. Nakakasira siya ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD