TININGNAN ni Mirabella ang orasan sa ibabaw ng maliit na mesa at napabuga ng hangin nang makitang kalahating oras na lang bago mag-alas dose ng gabi. Hindi magawang makatulog ni Mirabella. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang pabiling-biling sa higaan. “Okay ka lang, anak?” tanong ni Miranda na bahagyang nakamulat ang mga mata. Marahil ay nagising ito dahil sa likot niya sa higaan. Bumangon si Mirabella at naupo. “Pasensya na po, ina. Hindi lang ako makatulog.” “Ano ba ang iniisip mo at hindi ka makatulog?” tanong ni Miranda. “Wala naman, ina. Ang mabuti pa'y lalabas muna ako para magpahangin. Baka sakaling antukin ako sa labas.” “O, sige. Huwag ka lang magtatagal sa labas at malamig. Baka sipunin ka,” paalala ni Miranda. “Sige po, ina. Bumalik ka na sa pagtulog,

