“BAKIT hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan, Kora?” May bahid ng inis ang boses ni Francis nang ipinatawag niya sa kaniyang opisina si Kora nang hapon ding iyon. “Eh, ayoko na kasing makadagdag pa sa alalahanin mo,” malumanay na sagot ng mayordoma. “Kahit na! Matagal mo na palang alam na may karamdaman ka. Dapat ay sinabi mo agad. Other than that, you're sixty two! Dapat hindi ka na nagta-trabaho rito at nagpapahinga na lang!” wika ni Francis na binuklat pa ang ibang files ng mga kasambahay sa mansyon. Kahit ang mga files ng mga trabahador sa hasyenda ay isa-isa tinitingnan ni Francis. “Nawala na sa isip ko iyan, Francis. Isa pa’y sanay ako sa trabaho ko rito sa mansyon. Nag-aalala rin ako sa ‘yo. Ayokong iwan ka rito at iasa sa iba. Nangako ako sa lolo mo noon na pang

