IKA-LABING ISANG KABANATA Summer Isang lingo na simula no’ng nag-extend ako ng stay dito kasama si Caleigh. I still have one week para makapag-isip. Pero paano ako makakapag-isip ng tama kung ganito palagi? I’m always thinking about him. Kung kumakain ba siya sa tamang oras? Kung iniisip niya rin ba ako? Kung nambababae ba siya? Kung okay lang ba siya? Kung gusto na niya ba akong umuwi para magkasama na ulit kami? I know I shouldn’t think about that pero wala eh, mahal na mahal ko siya kaya nag-aalala ako sa kalagayan niya. Isang linggo akong hindi mapakali dahil gusto ko na siyang makasama pero sa t’wing iniisip ko na kailangan kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil may karapatan pa rin naman siya ay natatakot na akong magpakita sa kaniya. Alam naming lahat na kah

