LYKA Ngayon ang araw ng pag-alis namin ni Lucio. Simula noong lumabas ako sa hospital ay hindi ko na rin nakita ang kambal. Mas mabuti na ganito na hindi na nila ako ginugulo. Ang sabi sa akin ni madam ay nakahanda na ang lahat ng kailangan ko sa pag-alis. Ganun rin ang tutuluyan namin doon. Nangako si Madam na aalagaan rin niya ang mga kapatid ko at malaki ang tiwala ko sa kanya. Ngayon ay hindi na ako tumanggi sa tulong niya sa akin. Dahil alam ko na makabubuti sa akin ang mga nais niya. Ako at ang anak ko ang mahalaga sa ngayon. Malayo ang pupuntahan namin dahil kinailangan pa naming sumakay ng eroplano. At sa pagkakaalam ko ay sa ibang bansa na kami pupunta. Gusto ko ito. Ang malayo sa kanila lalo na kay Brixon. Galit ako sa kanya pero mahal ko pa rin siya. Hindi madaling kalimutan

