LYKA “You're right, kalimutan mo na ako. Huwag mo na akong mahalin. Kasi hindi na kita mahal.” Sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. “Oo naman, kayang-kaya kitang kalimutan. Hindi man ngayon pero alam ko na malapit na. Kakalimutan kita kagaya ng nais mo.” Sabi ko sa kanya. Kahit pa nasasaktan ako. “Gawin mo na agad.” “Oo naman. Gagawin ko agad kaya ‘wag ka ng lumapit sa akin. Huwag mo na akong kausapin pa. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin, Brixon. Pero hindi ko ‘yun tatanawin na utang na loob mula sa ‘yo. Sapat na siguro ang katawan ko para pambayad sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya. “Tulong ko ‘yun sa pamangkin ko.” Parang wala lang sa kanya ang mga lumalabas na salita sa bibig niya. “Sa huling pagkakataon. Gusto kong itanong sa ‘yo. Minahal mo man lang

