LYKA Paglabas ko sa silid ay nandito pa rin si Brixon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakikipag-usap siya sa anak niya. Habang nandito ako sa kusina ay naririnig ko ang malakas na tawanan mula sa labas. Alam ko na masaya ang anak ko. Pero hindi ko talaga kaya na ibigay sa kanya ang nais niya. Makasarili ba ako kung pipiliin ko na maging masaya? Nais ko lang protektahan ang sarili ko, ang puso ko. Dahil ayaw ko ng masaktan ulit at higit sa lahat ayaw kong saktan ang tao na tunay na nagmamahal sa akin. “Mommy, daddy will cook our dinner.” Biglang sabi ng anak ko. “Okay, baby.” Sagot ko sa kanya. “Okay lang ba, gha?” Tanong niya sa akin. “Gha?” “Yes, langga.” Nakangiti na sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Ewan ko sa ‘yo.” Sabi ko na lang dahil hindi ko naman siya mai

